Diskurso PH
Translate the website into your language:

Gerald Anderson, pass muna sa lovelife — career and personal growth ang focus sa 2026

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-12-05 11:07:47 Gerald Anderson, pass muna sa lovelife — career and personal growth ang focus sa 2026

Disyembre 5, 2025 – Inulit ni Gerald Anderson na single siya ngayong Pasko at mas pinili munang i-prioritize ang kanyang career at personal growth sa darating na 2026. Matapos ang mahigit anim na taong relasyon, ilang buwan nang hiwalay sina Gerald at Julia Barretto, sa kabila ng mga kumalat na balitang nagkabalikan sila at ikakasal daw diumano.

Nilinaw ng aktor na puro fake news ang mga tsismis na ito. “Maraming balita na dapat alam ng publiko kung ano ang fake news at ano ang totoong news. Hindi lang po sa showbiz, kundi sa lahat. Mag-ingat po kayo sa fake news,” paalala ni Gerald, na isa na ring aktor-prodyuser.

Ayon kay Gerald, hindi muna lovelife ang kanyang haharapin sa 2026. “I think ang main focus right now is building sa professional career ko, and building sa personal life. Absorb muna. Kapag naghahanap ka ng lovelife, hindi darating ‘yan. Darating lang ‘yan,” pahayag niya sa Spotlight presscon ng Star Magic.

Dagdag pa niya, mas determinado siya ngayon na pagbutihin ang sarili. “Focused ako sa growth as a person… dahil wala namang perpektong tao. Being single right now, I’m taking time talaga na pag-aralan ko ano pang pwede kong i-improve bilang tao.”

Sa usapin naman ng pelikula, sinabi ni Gerald na malaki ang motibasyon niyang sulitin ang bawat pisong ginagastos ng manonood, lalo na ngayong panahon ng krisis. “Kung ₱500 lang ang budget, napaka-maliit niyan sa panahon ngayon. Alam ko gaano kahirap kitain ang ₱500 lalo na sa ordinaryong tao. Kaya gusto ko magbigay ng magandang produkto. Gusto ko paglabas nila sa sinehan, masaya sila, kahit dalawang oras man lang,” sabi ng aktor.

Kaya todo-suporta siya sa MMFF entry nilang Rekonek, na tanging Christmas-themed movie sa lineup ngayong taon. Para kay Gerald, hindi lang ito pelikula kundi learning experience bilang bagong producer.