Carla Abellana ayaw nang pag-usapan si Tom Rodriguez: 'Ang luma na niyan!'
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-12-11 23:05:34
Disyembre 11, 2025 – Mukhang tapos na talaga ang kabanata nina Carla Abellana at Tom Rodriguez — at si Carla, klarong-klaro na ayaw nang balikan ang nakaraan.
Sa latest interview, diretsahan siyang tinanong tungkol sa mga sinabi ni Tom tungkol sa bago niyang engagement. Pero agad niya itong sinara:
“Ayoko ’yan, oo. Five years ago na ’yan, e. Ang luma naman ’yan.”
As in, wala nang space sa 2025 ang throwback drama!
Si Tom naman, sa hiwalay na panayam, sinabi na masaya siya para kay Carla matapos malaman na engaged na ito.
“I wish her well… Everyone deserves happiness and we all deserve to move on… Ako, nakatutok na ako sa sarili kong married life.”
Dagdag pa niya, mas pinipili na niya ang peace sa buhay niya ngayon at ayaw na raw niyang buksan pa ang nakaraan. Kaya nang tanungin kung open ba siyang makatrabaho si Carla muli, malinaw ang sagot:
“I’d rather not. I don’t need to revisit there.”
Sina Carla at Tom ay nagpakasal noong 2021 pero naghiwalay rin matapos ang ilang buwan. Na-finalize ang kanilang divorce noong 2022 — at base sa mga sagot nila ngayon, mukhang naka-lock na ang pintuan sa past.
Mukhang bagong love, bagong buhay, at bagong peace ang inaatupag ng dalawang ex — at wala nang balikan sa chapter na ’yon!
