Sunshine Garcia, proud sa kanyang 'chubby era,' dedma sa body shamers sa SexBomb concert
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-12-11 20:15:43
Disyembre 11, 2025 – Showbiz na showbiz ang confidence ni Sunshine Garcia matapos mag-viral ang ilang komento tungkol sa umano’y pagdagdag niya ng timbang sa unang araw ng SexBomb concert sa Araneta Coliseum. Pero imbes na maapektuhan, todo-embrace pa si Shine sa kanyang “chubby era” — at todo-flex sa Instagram!
Sa kanyang post, ibinahagi ni Sunshine ang clips ng kanyang dance performances during Day 1 ng concert, sabay biro: “IN MY CHUBBY ERA.” Fresh na fresh pa siyang nanganak this year via C-section, kaya super proud siya sa unti-unting pagbabalik ng kanyang katawan.
Aminado ang actress-dancer na may mga netizens talagang nagpuna sa timbang niya.
“May iba na naiintindihan, meron naman na kung makapagsabi ng ‘ANG TABA MO,’ ‘ANG BIGAT NI SHINE,’” kuwento niya.
Pero hindi nagpakain si Shine sa negativity — lalo na’t may cheerleader siya sa bahay: ang kanyang asawa na si Bulacan Vice Governor Alex Castro.
“Kagabi nagtanong ang asawa ko kung naapektuhan ba daw ako… natawa ako at sabi ko, ‘HINDI.’”
Ayon kay Sunshine, hindi niya minamadali ang sarili dahil wala pang isang taon mula nang manganak siya, at deserve niya ang slow and loving journey pabalik sa pre-pregnancy weight — kung gugustuhin man niya.
“Alam ko sa sarili ko na papayat din ako. Ngayon lang ako nasasabihan na cute, hayaan niyo namang i-cherish ko muna ‘to,” patawa niyang dagdag.
Supportive rin ang tropa sa comment section — sina Jessy Mendiola at John Prats ay mabilis na nagpadala ng love at papuri sa kanya bilang performer.
Samantala, sold out at successful ang SexBomb concert Round 2 sa MOA Arena earlier this week — at may pasabog pa ang grupo: another show coming soon!
Shine bright ka lang, Sunshine! ????✨
