Diskurso PH
Translate the website into your language:

Ruffa Gutierrez, humingi ng dasal para sa amang si Eddie Gutierrez na sumasailalim sa spinal procedure sa Singapore

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-12-10 23:19:12 Ruffa Gutierrez, humingi ng dasal para sa amang si Eddie Gutierrez na sumasailalim sa spinal procedure sa Singapore

Disyembre 10, 2025 – Sabay-sabay na nagpadala ng dasal ang fans at supporters matapos maglabas ng emosyonal na pahayag si Ruffa Gutierrez tungkol sa kalagayan ng kanilang pamilya. Sa kaniyang Instagram post, humingi ng prayers ang aktres para sa kanilang patriarch na si Eddie Gutierrez na kasalukuyang sumasailalim sa isang spinal procedure sa Singapore.

Makikita sa larawan na ibinahagi ni Ruffa ang 82-anyos na aktor na nakangiti habang naghahanda para sa kaniyang procedure sa Neuro Spine & Pain Center ng Mount Elizabeth Hospital. Kasama niya sa larawan ang misis niyang si Annabelle Rama at anak na si Raymond Gutierrez, habang pinapakita ng doktor ang x-ray scans ng kaniyang spine.

Sa caption ni Ruffa, dama ang pag-aalala at pananampalataya ng pamilya:

 “We humbly ask for prayers for a successful procedure, steady hands for the doctors, and complete healing for our dad. May everything go smoothly and unfold according to His perfect will.”

Nagpasalamat din siya sa mga netizens, fans, at mga Pilipinong nurse sa ospital na walang sawang nagpapadala ng suporta at dasal.

 “Your prayers, generosity, and kindness mean more to us than words can express… We truly feel your love,” ani Ruffa.

Nagbigay rin siya ng mensahe para sa ibang dumaraan sa matinding pagsubok ngayong panahon:

 “To everyone facing their own battles this season… you are not alone.”

Matatandaang nitong taon lamang ay nagbahagi si Ruffa ng kuwento tungkol sa matatag na pagmamahalan nina Annabelle at Eddie—lalo na habang pinagdadaanan ng aktor ang ilang health challenges. Para kay Ruffa, ang 52 years ng pagsasama ng kaniyang parents ay patunay na “forever really does exist.”

Habang hinihintay ang updates, patuloy ang pagdarasal ng showbiz community para sa mabilis na paggaling ni Eddie Gutierrez at lakas para sa buong Gutierrez family.

Larawan: Ruffa Gutierrez Instagram