‘Justice served!’ Claudine todo-puri sa pagkaka-dismiss ng kaso ni Gretchen
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-12-11 20:23:24
Disyembre 11, 2025 – Hindi mapigilan ni Claudine Barretto ang overflowing happiness matapos tuluyang i-dismiss ng Department of Justice (DOJ) ang reklamo laban sa kanyang ate na si Gretchen Barretto kaugnay ng kontrobersyal na kaso ng mga nawawalang sabungero.
Super proud na ibinandera ni Claudine sa kanyang Facebook page ang artcard mula sa isang news outlet na nag-anunsyo sa pagkaka-dismiss ng reklamo—at doon na nga nagpasabog ng pahayag ang Optimum Star.
“The truth is out! God is on our side always!” energizing na mensahe ni Claudine. Kita ang lubos na paghanga at pagmamahal niya sa kanyang ate, na aniya’y isa sa “pinakamalakas at pinakamatibay” na taong kilala niya.
Dagdag pa niya, “I will celebrate you from afar while I work and in my prayers. To God be the glory!” Bongga ang support!
BACKGROUND CHIKA
Matatandaang nadawit ang pangalan ni Gretchen matapos isang testigo, si Julie “Dondon” Patidongan, ang nagbintang na isa raw si La Greta sa umano’y mastermind behind the killings ng ilang sabungero noong 2021-2022. Ayon pa sa alegasyon, tinapon pa raw sa Taal Lake ang mga bangkay—isang claim na ngayon ay kinuwestiyon sa kawalan ng matibay na ebidensya.
Pero ayon sa DOJ, hindi kasama si Gretchen sa listahan ng mga dapat kasuhan dahil “kulang sa ebidensyang may direktang kinalaman siya sa pangyayari.” Ibig sabihin? Walang sapat na basehan para sa reklamo. Cleared, besh!
Samantala, lumilitaw na nangunguna sa listahan ng DOJ ang kaibigan ni Gretchen na si Atong Ang, kasama ang 21 pang iba, para sa kasong Kidnapping with Homicide at Kidnapping with Serious Illegal Detention.
SIDE NG KAMPO NI GRETCHEN
Naglabas din ng pahayag ang abogado ni Gretchen na si Atty. Alma Malonga. Ayon sa kanya, tama raw ang naging desisyon ng DOJ dahil “speculation” at walang corroboration ang mga paratang.
BUT WAIT, MAY CHANCE PA BA?
Ayon sa DOJ, kung sakaling may lumabas pang bagong ebidensya in the future na mag-uugnay kay Gretchen o sinumang iba pang personalidad, puwede pa ring magsampa ng bagong reklamo. Pero as of now—cleared, happy, at tahimik ang kampo ni Gretchen.
