Diskurso PH
Translate the website into your language:

Taylor Swift at Travis Kelce, ready na raw sa June 2026 wedding

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-12-11 21:58:46 Taylor Swift at Travis Kelce, ready na raw sa June 2026 wedding

Disyembre 11, 2025 – Parang rom-com na naging totoong buhay ang peg nina Taylor Swift at Travis Kelce dahil ayon sa kumakalat na ulat, tuluyan na silang maglalakad sa aisle sa June 13, 2026! At hindi basta-bastang kasalan ito, kundi isang celebrity event of the year na siguradong bubulabog sa buong entertainment world.

Balitang sa Ocean House sa Watch Hill, Rhode Island gaganapin ang kasalan — isang dreamy, luxurious at classic New England venue na parang eksena sa music video ng “Begin Again.” Hindi ito random choice dahil matagal nang konektado si Taylor sa lugar na ‘yan. Malapit lang dito ang kanyang sikat na beachfront mansion kung saan nagaganap ang iconic Swift Fourth of July parties. Ibig sabihin? This wedding will be nothing short of cinematic.

Ang chika: Taylor allegedly paid BIG to secure the date!

May pasabog pa! Ayon sa insiders, may isa pang bride-to-be na originally naka-book para sa June 13, pero dahil sobrang in-demand ang date at perfect para sa wedding ni Taylor, naglabas daw siya ng “hefty check” para mapasakanya ang slot. Alam mo na — kapag Swift ang kumilos, nagiging Taylor’s Version ang lahat. 

Nag-start ang kilig noong 2023 nang unang mag-public ang dalawa. Simula noon, naging unstoppable ang TayVis wave — mula sa NFL games na punong-puno ng screaming Swifties hanggang sa world tours kung saan super supportive si Travis.

Noong August 2025, nag-propose si Travis at nag-trending worldwide ang engagement announcement. From that moment, alam na ng fans: THIS IS IT.

Kahit kaliwa’t kanan ang lumalabas na detalye, wala pang official confirmation sina Taylor at Travis. Tahimik ang kanilang camp — which, honestly, mas lalo lang nagpapainit sa chismis. Alam mo naman sa showbiz: kapag walang denial… may katotohanan. ????

Kung tuloy ito, asahan na:

• Red carpet-level outfits kahit wedding guests lang

• Possible performances? (Imagine Taylor singing her vows? A moment!)

• Celebrities everywhere

• And of course — the Swifties, already preparing conspiracy boards

Sa ngayon, ang fans at netizens ay todo abang, hoping na anumang araw, may paputok na official announcement. Pero kung totoo ang June 2026 date, teka lang — ilang tulog na lang ‘yan sa Swiftie time?