Diskurso PH
Translate the website into your language:

BTS RM, muntik nang magdesisyon mag-disband bago ang 2026 comeback? Idol leader, emosyonal na nag-open up sa fans

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-12-11 21:35:10 BTS RM, muntik nang magdesisyon mag-disband bago ang 2026 comeback? Idol leader, emosyonal na nag-open up sa fans

Disyembre 11, 2025 – Nagpaulan ng real talk si RM ng BTS sa isang recent Weverse Live, at hindi kinaya ng fandom ang bigat ng kanyang mga revelations. Inamin ng K-pop superstar na ilang beses niyang naisip—hindi lang minsan, kundi “tens of thousands of times”—kung dapat na bang mag-disband ang grupo o mag-full stop muna sa kanilang activities bago ang comeback sa 2026.

Yes, ganun kabigat ang pressure. Ayon kay RM, habang papalapit ang long-awaited full-group comeback ng BTS, hindi biro ang stress at expectations na kailangan nilang harapin, lalo’t more than three years na mula sa kanilang last concert noong 2022.

‘Hindi kami basta makabalik’ Kwento niya, hindi sila makabalik agad-agad hangga’t hindi sila nakakapaghanda ng something worthy para sa ARMY.

“We cannot easily come back until we present something that satisfies our fans… I haven’t slept again since last month,” sabi ni RM, na umamin pang napapaisip na siyang magpareseta ng sleeping pills dahil sa sobrang stress.

Dagdag pa niya, hindi nila ginusto ang halos kalahating taon na wala silang full-group activities.

Good news naman: confirmed ni RM na malapit nang matapos ang album at nag-practice pa sila as a group kamakailan.

Pero kahit ready na ang music side, may mga bagay daw na hindi niya puwedeng i-share publicly—mga behind-the-scenes reasons kung bakit na-delay ang ilan niyang personal plans after military discharge.

Pressures, expectations, at ang bigat ng 12-year legacyDito na naging emosyonal si RM. Aminado siyang napaisip siya nang paulit-ulit kung “mas mabuti na bang huminto,” lalo’t ayaw niyang mabigo ang fans at gusto niyang maging totoo sa art na ginagawa nila.

 “As a human, I will make mistakes… Everyone has concerns, but we must move forward.”

Pinatunayan din niyang mahalaga sa kanila ang bond ng BTS at suporta ng fans — ito raw ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang pag-disband, kahit paulit-ulit niya itong napag-isipan.

‘Kailangan mabuhay ang artists para makalikha’ May pa-philosophy pa si RM tungkol sa artistry — hindi raw puwedeng puro camera at spotlight lang ang buhay ng artist. Kailangan din nilang maranasan ang totoong buhay para may “fragrance” ang music nila.

At yes, consistent sa pagiging honest, hindi niya directly sinagot ang mga chismis na baka may kinalaman sa dating rumors (hello, Jungkook-Winter speculations), pero nagtawag ito ng hula sa fans.

ARMY, hold on — tuloy ang laban

Sa dulo, nagpasalamat siya at nangakong gagawin nila ang best nila para makabalik nang matatag, inspiradong muli, at handang ibigay ang quality na deserve ng fans.