Diskurso PH
Translate the website into your language:

Angelica Panganiban, inamin ang biggest movie regret—kaugnay si Angel Locsin!

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-12-15 23:20:48 Angelica Panganiban, inamin ang biggest movie regret—kaugnay si Angel Locsin!

Disyembre 15, 2025 – FINALLY! Umamin na si Angelica Panganiban sa isang rebelasyon na matagal nang kinukuryos ng fans—ang pelikulang pinaka-pinagsisisihan niyang hindi niya tinanggap ay walang iba kundi ang blockbuster na “Four Sisters and A Wedding” (2013).

Sa one-on-one interview ni MJ Felipe para sa Cinema One, diretsahang sagot ni Angge nang tanungin kung may project ba siyang tinanggihan na hanggang ngayon ay may kurot pa rin sa damdamin.

“Meron,” nakangiting pag-amin ng aktres. “’Yung Four Sisters.”

Si Shaina Magdayao ang kalauna’y gumanap bilang Gabbie Salazar, ang role na sana’y para kay Angelica.

Bakit niya tinanggihan?

Ayon kay Angelica, kakatapos lang nila noon ng pelikulang “One More Try”, kung saan kasama niya sina Zanjoe Marudo, Dingdong Dantes, at Angel Locsin, sa direksyon ni Ruel Bayani.

Dito na pumasok ang maselang bahagi ng kuwento.

“Hindi naging maganda ang ending namin ni Angel nu’n,” ani Angge.

“Nag-give way na lang ako at sinabi kong maging magkaibigan na lang kami sa labas ng trabaho—’wag muna kaming mag-work ulit.”

Matatandaang noong 2014, umugong ang balitang nagka-alitan umano sina Angelica at Angel Locsin, lalo na’t nag-viral noon ang eksena nilang sampalan at sabunutan sa pelikula. Nadagdagan pa ito ng mga cryptic posts ni Angelica na iniuugnay ng fans kay Angel—bagay na itinanggi naman ng aktres, sabay sabing okay sila.

“Bubog ko ‘yun!”

Isa pa sa pinaka-honest na pag-amin ni Angelica:

"Hanggang ngayon, hindi ko pa napapanood ang Four Sisters and A Wedding… bubog ko ‘yun!”

Aminado rin si MJ Felipe na nagulat siya sa rebelasyong ito, lalo’t siya rin ang nag-host ng “UnMarry” mediacon noong December 5. Dito nabanggit ni Angelica na may script siyang hindi na niya binitawan dahil ayaw na niyang magsisi—na ngayon ay malinaw nang may hugot mula sa Four Sisters experience.

Moving on…

Sa kabila ng lahat, tuloy ang career ni Angelica. Mapapanood na ang pelikula niyang “UnMarry” simula December 25, sa direksyon ni Jeffrey Jeturian, kasama sina Nico Antonio, Tom Rodriguez, Zack Sibug, Solenn Heussaff, at Eugene Domingo.