Mala-Hollywood Dream Team nina Coco, Robin, Jinggoy, Lito, Bong, hindi na matutuloy
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-12-15 23:07:28
Disyembre 15, 2025 – Mukhang hindi muna matutuloy sa ngayon ang inaabangang pelikula na sana ay pinagsasamahan nina Lito Lapid, Robin Padilla, Jinggoy Estrada, Bong Revilla, at Coco Martin.
Ayon kay Sen. Lito Lapid, nanghihinayang siya sa pagkakaudlot ng kanilang “dream project” na ilang taon nang pinagpaplanuhan. Ang dahilan? Kasalukuyang iniimbestigahan ang ilang anomalya sa flood control projects kung saan sangkot sina Sen. Jinggoy at Bong Revilla.
“Hindi pa rin sumusuko si Coco at umaasa pa rin kami na darating ang tamang panahon para sa aming proyekto,” ani Sen. Lapid.
Sa orihinal na plano, si Coco ang magdidirek ng pelikula, at may balak siyang kumuha ng batang cast. Ngunit sa kasalukuyan, tila kailangan munang hintayin ang tamang pagkakataon.
Humalili na lang sina Sen. Lapid at Coco sa pagbibiro, na baka “lolo” na lang ang role niya sa pelikula. “’Yung mga ayaw sumama, hayaan natin. Libre ito at wala kaming bayad. Sama-sama kami sa pelikula, lalo na kami mga senador, para may magawa rin sa industriya,” dagdag ni Lapid.
Sa plano ni Sen. Jinggoy, siya sana ang magprodyus, at ang kita ng pelikula ay ibibigay sa mga stuntman, artista, at sa industriya upang makapagbigay ng trabaho.
Sa kabila ng pagkaantala, nananatiling close sina Coco at Sen. Lapid mula pa sa kanilang seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” at “FPJ’s Batang Quiapo”, kung saan si Lapid rin ang nagsilbing fight director ni Coco.
Ayon sa anak ni Lapid, si Mark, “We’re still praying and hoping na ma-settle ito para continuous ang pagbibigay ng trabaho sa mga empleyado.”
