Diskurso PH
Translate the website into your language:

Aksidente: Van, bumangga sa poste ng Meralco sa Salawag Crossing

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-24 22:31:17 Aksidente: Van, bumangga sa poste ng Meralco sa Salawag Crossing

CAVITE — Bandang alas-4:00 ng madaling araw ngayong Martes, isang aksidente ang naganap sa kahabaan ng Molino-Paliparan Road (Salawag Crossing) matapos bumangga ang isang sasakyan sa poste ng Meralco.

Ayon kay Kapitan Eric Paredes, agarang rumesponde ang mga awtoridad sa insidente upang tiyakin ang kaligtasan ng mga motorista at residente sa lugar. Sa ngayon, inaalam pa ang sanhi ng pagkakabangga at kung may nasugatan sa insidente.

Dulot ng pagkakabangga, nagdulot ito ng pansamantalang abala sa trapiko habang inaalis ang sasakyan at tinitiyak ang kaligtasan sa paligid ng poste. Nagsagawa rin ng inspeksyon ang mga tauhan ng Meralco upang masigurong ligtas at hindi maaapektuhan ang daloy ng kuryente sa lugar.

Nagpaalala si Kapitan Paredes sa lahat ng motorista na maging alerto at maingat sa pagmamaneho, lalo na sa mga oras ng madaling araw kung saan madalas bumigat ang antok at bumaba ang alertness ng driver. Dagdag pa niya, iwasan ang mabilis na pagpapatakbo at siguraduhing laging tumitingin sa paligid upang makaiwas sa aksidente. (Larawan: Kapitan Eric Paredes / Fb)