Diskurso PH
Translate the website into your language:

Walang pasok sa Quezon Province sa Setyembre 25 at 26 dahil sa bagyong ‘Opong’

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-24 23:39:45 Walang pasok sa Quezon Province sa Setyembre 25 at 26 dahil sa bagyong ‘Opong’

QUEZON PROVINCE Nag-anunsyo si Quezon Governor Doktora Helen Tan ng suspensyon ng klase sa lahat ng antas, parehong pampubliko at pribado, mula Setyembre 25 hanggang Setyembre 26, 2025 (Huwebes at Biyernes), dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan na dala ng Bagyong Opong.

Ayon kay Gov. Tan, ipinauubaya sa mga Punong Bayan ang desisyon hinggil sa suspensyon ng trabaho sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan at pribadong sektor sa Setyembre 25 (Huwebes). Gayunman, tiyak na suspendido ang pasok sa lahat ng pampublikong opisina at pribadong sektor sa Setyembre 26 (Biyernes).

Nagpaalala rin ang gobernadora sa mga residente na manatiling alerto at maging maingat, lalo na sa mga lugar na mababa at malapit sa daluyan ng tubig na maaaring bahain. Hinikayat din niya ang publiko na makipag-ugnayan sa kani-kanilang barangay at lokal na pamahalaan para sa agarang tulong sakaling kailanganin.

Patuloy namang mino-monitor ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan sa gitna ng masamang lagay ng panahon. (Larawan: Doktora Helen Tan / Fb)