Diskurso PH
Translate the website into your language:

‘Sorry Cong. Garin, dapat pala pera ‘yun para happy ka’ — Barzaga, may banat kay Garin

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-24 23:50:21 ‘Sorry Cong. Garin, dapat pala pera ‘yun para happy ka’ — Barzaga, may banat kay Garin

MANILA Nagbiro si Cavite 4th District Representative Elpidio “Kiko” Barzaga Jr. matapos ang mainit na eksena sa plenaryo kung saan inireklamo siya ni House Deputy Speaker Janette Garin dahil sa umano’y paglapit ng kanyang cellphone sa mukha ng kongresista habang nagla-live.

Sa panayam ng media, inilarawan ni Garin ang insidente:
“He was poking his phone on my face. Sabi ko, ‘huwag kang ganyan.’ I don’t think it’s also nice… na ipo-poke mo yung telepono sa mukha mo.”

Hindi naman nagpahuli si Barzaga at naglabas ng tugon sa kanyang Facebook page:
“SORRY CONG GARIN, DAPAT PALA PERA YUN PARA HAPPY KA.”

Nag-ugat ang tensyon mula sa isang viral Facebook Live video, kung saan nagtangkang magtanong si Barzaga kay Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos tungkol sa umano’y kasong kinasasangkutan ng kanyang tiyuhin, si dating House Speaker Martin Romualdez:
“Kamusta na yung kaso ni Tito Romualdez mo?”

Gayunman, hindi nakasagot si Sandro dahil agad pumagitna si Garin. Tinulak nito ang cellphone ni Barzaga sabay sabing: “’Wag ganyan boss,” upang awatin ang biglaang pagtatanong at posibleng pag-init ng sitwasyon.

Samantala, umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang palitan ng salita ng dalawang kongresista. May ilan na natuwa sa biro ni Barzaga, habang marami rin ang bumatikos at nagsabing hindi angkop ang kanilang asal lalo na’t nasa gitna sila ng sesyon sa Kongreso. (Larawan: Kiko Barzaga / Fb)