Kanlaon Volcano, nagbuga ng abo sa loob ng 30 minuto; PHIVOLCS nagtala ng pagtaas ng aktibidad
Ana Linda C. Rosas Ipinost noong 2025-10-12 16:49:31
Negros Island, Philippines —Muling naglabas ng abo ang Bulkang Kanlaon nitong Sabado ng gabi, Oktubre 11, 2025, bandang 11:47 p.m., ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) at Volcano Discovery.
Ang naturang ash emission ay tumagal ng halos 30 minuto at umabot sa humigit-kumulang 500 metro ang taas mula sa bunganga ng bulkan.
Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)., itinaas nila ang Alert Level ng Kanlaon mula Level 2 (increasing unrest) patungong Level 3 (magmatic unrest) dahil sa patuloy na pagtaas ng aktibidad at mga senyales na nagpapahiwatig na maaaring magkaroon ng mas malakas na pagbuga.
Sa bulletin ng ahensya, iniulat na namataan ang ash emission na nagmula sa bunganga ng bulkan na umabot sa humigit-kumulang 500 metro ang taas at tinangay ng hangin patimog-kanluran. Ang naturang aktibidad ay sinabayan ng mahihinang pagyanig at patuloy na pagtaas ng sulfur dioxide (SO₂) emissions na indikasyon ng patuloy na magma movement sa ilalim ng lupa.
Ayon sa PHIVOLCS, nananatiling nasa Alert Level 2 ang Kanlaon Volcano, na nangangahulugang may pag-akyat ng unrest o aktibidad at posibleng magkaroon ng mga phreatic o steam-driven explosions sa mga susunod na araw.
“Patuloy naming mino-monitor ang mga parameter ng Kanlaon Volcano. Hinihikayat namin ang publiko na manatiling alerto, iwasan ang danger zone, at sundin ang mga abiso ng lokal na DRRMOs,” ayon sa pahayag ng PHIVOLCS sa kanilang opisyal na advisory.