Diskurso PH
Translate the website into your language:

Number coding ng MMDA suspendido sa Pasko, Bagong Taon

Marijo Farah A. BenitezIpinost noong 2025-12-22 18:07:46 Number coding ng MMDA suspendido sa Pasko, Bagong Taon

DISYEMBRE 22, 2025 — Suspendido ang pinalawak na number coding scheme ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga darating na holiday ng Kapaskuhan at Bagong Taon.

Batay sa abiso ng MMDA, walang coding sa Metro Manila sa mga sumusunod na petsa:

  • Disyembre 24, 2025 (Miyerkules) – bisperas ng Pasko, special non-working holiday
  • Disyembre 25, 2025 (Huwebes) – Araw ng Pasko, regular holiday
  • Disyembre 30, 2025 (Martes) – Araw ni Rizal, regular holiday
  • Disyembre 31, 2025 (Miyerkules) – bisperas ng Bagong Taon, special non-working holiday
  • Enero 1, 2026 (Huwebes) – Bagong Taon, regular holiday

Bukod dito, idinagdag ng MMDA na wala ring coding sa Disyembre 29 at Enero 2

Ang karagdagang suspensyon ay alinsunod sa Memorandum Circular No. 111 ng Malacañang na nagkansela ng trabaho sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa mga nasabing araw upang bigyan ng mas mahabang panahon ang mga empleyado na makapaghanda at makapagsaya sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

Ayon sa MMDA, “Number coding is automatically suspended during official and special non-working holidays.” 

(Awtomatikong suspendido ang number coding tuwing opisyal at special non-working holidays.)

Nagpaalala rin ang ahensya sa mga motorista: “Plan your trip, obey traffic laws, and drive carefully to avoid any accidents.” 

(Planuhin ang biyahe, sumunod sa batas trapiko, at mag-ingat sa pagmamaneho upang maiwasan ang aksidente.)

Ang suspensyon ng coding scheme ay inaasahang magbibigay-ginhawa sa mga motorista at pasahero sa panahon ng holiday rush, lalo na’t dagsa ang mga mamimili at biyahero sa Metro Manila.



(Larawan: MMDA | Facebook)