Diskurso PH
Translate the website into your language:

Dating PBA Coach na si Chris Gavina, Bagong Head Coach ng UE Red Warriors

Charles Joseph IngalIpinost noong 2025-02-13 20:56:23 Dating PBA Coach na si Chris Gavina, Bagong Head Coach ng UE Red Warriors

Nitong Pebrero 13, 2025, pormal nang inanunsyo at kinumpirma ng pamunuan ng Unibersidad ng Silangan (UE) ang pagkuha kay Chris Gavina bilang kapalit ni Jack Santiago bilang head coach ng UE Red Warriors Men’s Basketball Team. Ang kumpirmasyong ito ay isinapubliko sa isang press conference na ginanap sa UE Manila.

Hindi na lingid sa kaalaman ng marami ang malawak na karanasan ni Gavina sa basketball. Naging bahagi na siya ng mga kilalang koponan sa PBA, kabilang ang Mahindra at Rain or Shine, pati na rin sa international scene kasama ang Taiwan Mustangs at Taichung Suns.

Sa isang pahayag, ipinahayag ni UE President Zosimo Battad ang pananabik ng pamunuan sa bagong yugto ng Red Warriors sa ilalim ni Gavina.

We are thrilled to welcome Coach Chris Gavina to the Red Warriors family. His leadership, passion, and experience in both local and international basketball will be instrumental in molding our new breed of champions,” ani Battad.

Malawak ang coaching experience ni Gavina. Bukod sa kanyang naging papel sa PBA, naging head coach din siya sa MPBL teams tulad ng Valenzuela at Bacoor. Hinirang din siyang Best Coach sa 2024 U19 NBTC National Finals Division 1 Tournament. Ang kanyang track record sa player development at strategic coaching ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit naniniwala ang UE na siya ang tamang pagpipilian para sa kanilang koponan.

Para kay Gavina, isang malaking karangalan ang pagkakataong pangunahan ang Red Warriors.

I am honored to coach the UE Red Warriors, a program that has produced legends of Philippine basketball. For those who cherish basketball history, I am humbled to step into the role once held by the phenomenal Coach Baby Dalupan, who led this institution to its golden era,” sambit niya.

Bagamat batang koponan at itinuturing na underdogs ang Red Warriors, ipinakita nila noong nakaraang season na kaya nilang makipagsabayan sa malalakas na kalaban. Muntik na silang makapasok sa Final Four, at sa bagong sistema ni Gavina, inaasahang mas lalo silang magpapakita ng improvement. Kasama ang kanyang coaching staff na sina Rob Labagala at Paolo Hubalde, magiging mas matibay ang pundasyon ng team sa darating na season.

Sa pagbabagong ito, positibo ang pananaw ng UE na nasa tamang direksyon ang kanilang basketball program. Sa pamumuno ni Gavina, umaasa ang Red Warriors na unti-unting makakabalik sa pagiging isang contender sa UAAP.

Larawan: UE