Adamson University, bagong kampeon sa 2025 Women’s V-League Collegiate Challenge
Ana Linda C. Rosas Ipinost noong 2025-10-10 22:30:34
Maynila- Matagumpay na nasungkit ng Adamson University Lady Falcons ang kampeonato sa 2025 Women’s V-League Collegiate Challenge matapos nilang talunin ang FEU Lady Tamaraws (Far Eastern University) sa Game 3 ng finals, sa pamamagitan ng isang dominante at tuloy-tuloy na panalo, 25-19, 25-19, 25-14, sa Filoil EcoOil Centre ngayong Biyernes.
Pinangunahan ng Lady Falcons ang laro mula umpisa hanggang dulo, ipinakita ang kanilang matatag na depensa at matinding opensa na nagselyo sa kanilang kampeonato. Sa tagumpay na ito, natapos ng Adamson ang serye sa pabor nilang 2-1, matapos makabawi mula sa pagkatalo sa unang laro.
Ito ang isa sa mga pinakamatagumpay na laban ng Lady Falcons sa V-League, patunay ng kanilang disiplina, teamwork, at determinasyong makamit ang titulo sa ilalim ng kanilang coaching staff.
Sa panayam pagkatapos ng laro, sinabi ng coach Yude na nakapag-apply na ng mabuti ang kanyang koponan ng mga napag-aralang taktika. Pinuri rin niya ang disposisyon ng mga manlalaro na “nakatuon, may saya, at may focus.”
“First of all, we praise God for the win … They stuck to the plan … They have joy, they are focused, and they have happiness. Ani coach JP Yude ng Adamson
Si Shaina Nitura naman ang itinanghal na Finals MVP matapos makapuntos ng 17 puntos kasama ang 13 digs at 10 receptions sa Game 3, at may average na ≈ 23.33 puntos sa buong series.
Para sa FEU Lady Tamaraws, ito ang ikatlong pagkakataon na pumangalawa sa serye ng tatlo sunod-sunod: 2023, 2024, at ngayon.
larawan/google.fb
