Diskurso PH
Translate the website into your language:

BPI mobile check deposit, bago na ang patakaran

Marijo Farah A. BenitezIpinost noong 2025-03-28 16:51:12 BPI mobile check deposit, bago na ang patakaran

MARCH 28, 2025 — Simula April 1, ipatutupad ng Bank of the Philippine Islands (BPI) ang bagong guidelines para sa mobile check deposit. Layon ng update na gawing mas maayos ang digital transactions habang sumusunod sa pinakabagong standards ng Philippine Clearing House Corporation (PCHC).

Wala na ang dating proseso kung saan isusulat lang ang account number sa likod. Ngayon, kailangang isulat ang "BPI/" kasunod ng BPI account number ng payee sa harap ng check, sa itaas ng pangalan ng payee. Sa likod naman, kailangan ang petsa ng deposit at pirma ng payee.

Hanggang March 31 na lang tatanggapin ang lumang format.

Bakit may pagbabago? Ayon sa BPI, parte ito ng pagpapalakas sa seguridad at pagpapabilis ng proseso. Ang magandang balita? Tumatanggap pa rin ang mobile deposit feature ng mga check hanggang ₱500,000, at pareho pa rin ang clearing timelines — kung gagawin ang transaction pagkatapos ng 3 p.m. o sa non-banking days, sa susunod na business day ito ip-proseso, tulad ng over-the-counter deposits.

Para sa mga entrepreneur at madalas gumamit ng check, magiging mas mabilis at maayos ang transactions — kung susundin ang bagong patakaran. Kapag hindi inintindi ang detalye, maaaring ma-delay ang deposit.

Ipinapakita ng hakbang na ito ng BPI ang pag-usad tungo sa digital banking convenience, pero ipinaalala rin nito ang kahalagahan ng pag-update sa mga bagong proseso. Sa huli, malaki ang epekto ng maliliit na pagbabago sa efficiency.

 

(Larawan: BPI)