Diskurso PH
Translate the website into your language:

Corruption scandals, nagdudulot ng ‘chilling effect’ sa luxury market at property sector

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-09-25 21:52:57 Corruption scandals, nagdudulot ng ‘chilling effect’ sa luxury market at property sector

Setyemvre 25, 2025 – Maaaring maapektuhan ang industriya ng luxury goods at real estate sa bansa matapos lumitaw ang sunod-sunod na alegasyon ng katiwalian na kinasasangkutan ng ilang opisyal at negosyante.


Ayon sa mga analyst, nagkakaroon ng “chilling effect” sa merkado dahil nagiging sensitibo ang publiko at maging ang mga potential investors sa mga pagbili ng mamahaling gamit at ari-arian. Sa gitna ng mga imbestigasyon, nagiging simbolo umano ng posibleng iregularidad ang mga high-value purchases gaya ng luxury bags, mamahaling alahas, kotse, at prime properties.


Ipinaliwanag ng isang ekonomista na karaniwang itinuturing na “status symbol” ang mga nasabing luho, ngunit dahil sa mga imbestigasyon, nagiging tanong ng publiko kung ang pinambili ng mga ito ay mula ba sa legal na kita o sa iligal na transaksyon. “Nagiging maingat ngayon ang maraming kliyente. Ang ilan ay pinipili nang i-delay ang pagbili ng mga mamahaling gamit at lupa dahil sa stigma,” aniya.


Dagdag pa rito, posible ring bumagal ang galaw sa high-end real estate market dahil marami sa mga pangalan ng negosyante at politiko na kaugnay sa kontrobersiya ay kilala ring malalaking mamimili ng luxury properties. Maaari itong magdulot ng pagbaba sa demand at posibleng makaapekto sa presyo sa hinaharap.


Samantala, tiniyak naman ng ilang property developers at luxury retailers na nananatiling matatag ang kanilang operasyon, bagama’t hindi maikakaila na ramdam nila ang epekto ng negatibong isyu sa kumpiyansa ng merkado.


Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang mga pagdinig at imbestigasyon sa Senado kaugnay ng flood control projects at umano’y kickback scheme, na naglalantad ng lifestyle at ari-arian ng ilang opisyal.