Diskurso PH
Translate the website into your language:

Math teacher nakatikim ng suntok at sipa mula sa kanyang estudyante

Ana Linda C. RosasIpinost noong 2025-08-14 13:44:59 Math teacher nakatikim ng suntok at sipa mula sa  kanyang estudyante

Thailand- Isang nakakagulat na insidente ng karahasan ang naganap noong nakaraang linggo,sa isang pribadong paaralan sa distrito ng Ban Rai, lalawigan ng Uthai Thani, Thailand, nang pisikal na atakehin ng isang mag-aaral sa Grade 11 ang kanyang Math Teacher  matapos hindi masiyahan sa kanyang marka sa midterm examination.


Ipinapakita ng CCTV footage na sinampal, sinuntok, sinipa, at kinagat pa ng estudyante ang guro. Nakialam ang mga babaeng kaklase na naroroon, pisikal na pinoprotektahan siya at tumutulong upang mapatigil ang pag-atake.


Ang guro ay  nagtamo ng malubhang pinsala – pasa sa kaliwang mata, pamamaga ng ulo, at sakit sa tadyang, na nangangailangan ng agarang medikal na atensyon at pagpapaospital. Ang insidente ay agarang naibahagi sa social media at nakakuha ng malawakang atensyon at pagkundena.


Sa simula, nilapitan ng suspek ang kanyang guro upang talakayin ang grado. Sapagkat tama ang sagot niya sa exam, ngunit nabawasan ang marka dahil hindi niya ipinakita ang mga kinakailangang solusyon  Bigo  ang kanyang apela, kayat  humingi  ng suporta mula sa iba pang miyembro ng faculty, umaasang makikialam sila at sasang-ayon  para sa kanya. Gayunpaman, pinanatili ng mga kawani ng paaralan ang orihinal na desisyon sa pagmamarka. Sa punto ng kanyang pagbalik sa classroom  upang humingi ng paumanhin sa guro, biglang nag “ melt-down” ang estudyante dahilan ng kanyang marahas na pag atake laban sa guro.


Ibinunyag ng mga opisyal ng paaralan na ang estudyante ay naglalayong makakuha ng natatanging marka upang mapalakas ang kanyang aplikasyon sa akademya ng pulisya ng Thailand. Ang akademikong presyur na ito ay maaaring nag-ambag sa kanyang marahas na reaksyon sa pagtanggap ng hindi perpektong marka.


Nakakabahala, hindi ito ang unang marahas na insidente ng estudyante. Kinumpirma ng mga awtoridad na dati na niyang inatake ang isang babaeng estudyante sa bus ng paaralan matapos itong gumawa ng ingay na nakagambala sa kanya, na nagpapakita ng ugaling agresibo.


larawan-google