Janus del Prado, napagod na kay Awra!
Margret Dianne Fermin Ipinost noong 2025-07-21 09:58:05
MANILA, Philippines — Umani ng matinding diskusyon online ang aktor na si Janus del Prado matapos niyang maglabas ng mahabang pahayag sa Facebook noong Hulyo 19, kung saan tahasang pinuna si Awra Briguela at ang umano’y epekto ng kanyang asal sa LGBTQIA+ community.
“You are doing too much to the point that you are hurting the gay community,” saad ni Del Prado, sabay akusang pinapalaganap umano ni Awra ang entitlement at pagkakawatak-watak. Ayon sa kanya, dahil dito, unti-unti raw lumalayo ang mga kaalyado at publiko sa komunidad: “People are starting to turn against the entire gay community because of this kind of entitlement. Nadadamay sila sa bashing.”
Iginiit din ni Del Prado na masyado nang nabibigyang pansin ang isyu ng gender identity at neo pronouns, habang naisantabi naman ang mga tunay na laban ng mga biological women, lesbians, at gays. Ipinahayag niya ang pagkadismaya sa mabilis na pagyakap ng Pilipinas sa tinawag niyang "pauso" ng Kanluran: “Nakigaya lang naman tayo sa pauso ng US and other western countries about the gender alphabet and neo pronouns. And now, ano nangyayari sa kanila? They are suffering the consequences and starting to reject the whole ideology.”
Ayon pa sa kanya, negatibo na rin ang epekto nito sa mga institusyon sa abroad, gaya ng Hollywood at educational systems, at binalaan niyang nakararamdam na rin ang mga Pilipino ng “trans fatigue”. Aniya, “Stop the gaslighting. Nakakapagod na makitungo at makisama sa inyo.”
Binanggit din ni Del Prado na may karapatan ang bawat isa na tukuyin ang sariling pagkatao, ngunit hindi raw ito dahilan para pilitin ang ibang tao na sumunod sa personal na paniniwala. Hinikayat niya ang LGBTQIA+ community na panagutin ang mga kasapi na lumalampas na sa tama: “Please speak up pag wala na sa hulog yung ginagawa ng miyembro ng kumunidad niyo. Don’t be an enabler just because they are a part of your group.”
Sa ngayon, hindi pa nagbibigay ng pahayag si Awra Briguela. Naganap ang kontrobersiya matapos ang kanyang graduation sa senior high school, kung saan ginamit niya ang “she/her” pronouns sa mga congratulatory posts — na agad umani ng papuri at puna online.
Muling nabuksan ng isyung ito ang mga diskusyon sa publiko tungkol sa gender identity, respeto, at mga hangganan ng personal na pagpapahayag.