Spotted: Gerald Anderson, nakiramay umano sa burol ng tito ni Julia Barretto
Ana Linda C. Rosas Ipinost noong 2025-09-27 20:02:32
Setyembre 27,2025–Usap-usapan ngayon sa social media ang umano’y pagdalo ni Gerald Anderson sa burol ng yumaong si Mito Barretto, tiyuhin ng kanyang ex-girlfriend na si Julia Barretto.
Sa ilang ulat, nakitang kasama ni Gerald ang ilang kamag-anak ng Barretto family, kabilang na umano ang bunsong kapatid ni Julia na si Erich Echeverri. May mga nagsabing nagpadala rin ang aktor ng meryenda para sa mga nakikiramay, bagay na umani ng magkahalong reaksyon mula sa publiko.
Bagama’t hiwalay na si Gerald at Julia — isang breakup na kinumpirma na ng magkabilang kampo noong Setyembre at idineklarang mutual at maayos ang pagtatapos — kapansin-pansing nananatili raw na malapit ang aktor sa ilang miyembro ng pamilya Barretto.
Para sa iba, simpleng pagpapakita lamang ito ng respeto sa pamilya na minsang itinuring na malapit kay Gerald. Ngunit para sa ilan, hindi maiwasang magkaroon ng mga spekulasyon ukol sa posibilidad ng muling pagkikita at pag-uusap nina Gerald at Julia sa ganitong maselang okasyon.
Umani ng ibat ibang reaksyon mula sa ilang netizens na nagpapakita ng halo-halong pananaw:
“May pinagsamahan naman sila sa pamilya Barretto kaya nakikiramay bilang respeto sa namatayan. Di naman siguro masama,” ani Mercedes Golez Severino.
“He has to be nice to the family to avoid a media backlash. He doesn’t want history to repeat itself,” komento ni Luzille Zyller.
“Sana magkayos pa sila, sayang din naman… walang perfect relasyon,” saad ni Marivic Apad.
“Sila pa din ‘yan, di lang pinapakita. May mga proyektong gagawin kasi para mag-click,” dagdag pa ng isang netizen.
“My sincerest condolences to the Barretto family,” pahayag ni Arlyn Fernandez na nagtuon ng atensyon sa tunay na okasyon ng pagkakaisa.
Sa ngayon, nananatiling walang kumpirmasyon mula kina Gerald o sa pamilya Barretto hinggil sa mga balitang ito. Gayunpaman, patuloy pa ring sinusubaybayan ng publiko ang bawat galaw nina Gerald Anderson at Julia Barretto — lalo na kapag nagtatagpo ang kanilang landas kahit sa mga pagkakataong puno ng lungkot at pag-alala.
larawan/ facebook