Diskurso PH
Translate the website into your language:

‘Magfocus sa flood control isyu sa halip na sa private life ng isang tao’ — Chie Filomeno naglabas ng pahayag

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-29 23:49:32 ‘Magfocus sa flood control isyu sa halip na sa private life ng isang tao’ — Chie Filomeno naglabas ng pahayag

MANILA Ginamit ng aktres at social media personality na si Chie Filomeno ang kanyang online platforms upang ipahayag ang pagkadismaya sa tila maling prayoridad ng publiko pagdating sa mga isyu sa bansa.

Ayon kay Chie, masyado umanong nakikialam ang ilan sa pribadong buhay ng mga tao, samantalang may mga mas mahahalagang usaping dapat pagtuunan ng pansin—gaya ng paulit-ulit na pagbaha na patuloy na nakakaapekto sa maraming komunidad tuwing panahon ng bagyo.

“Kung ang atensyon ay nailalagay lang sa personal na bagay ng iba, nakakalimutan natin ang tunay na problema na araw-araw na hinaharap ng mga tao,” giit ng aktres.

Binanggit din ni Chie na ang suliranin sa pagbaha ay hindi lamang simpleng abala kundi isa ring banta sa kaligtasan at kabuhayan ng maraming Pilipino. Kaugnay nito, nanawagan siya ng mas maayos na imprastruktura at mas pinaigting na disaster preparedness upang hindi na maulit ang parehong kalamidad taon-taon.

Ang kanyang panawagan ay umaakma rin sa mas malawak na paniniwala ng publiko na dapat nang seryosohin ang flood control projects at iba pang solusyon laban sa sakuna, sa halip na masangkot sa intriga o usaping walang kinalaman sa kapakanan ng nakararami.

Sa huli, idiniin ni Chie na ang tunay na malasakit ay makikita sa pagtutok sa mga suliraning may direktang epekto sa buhay ng tao. (Larawan: Chie Filomeno / Facebook)