Diskurso PH
Translate the website into your language:

Chef Choi Hyun Seok, dadalhin ang Culinary Class Wars dishes sa Manila

Ipinost noong 2025-04-09 12:09:21 Chef Choi Hyun Seok, dadalhin ang Culinary Class Wars dishes sa Manila

Abril 9, 2025 — Matitikman na ng mga Pinoy food lovers ang mga putaheng mula sa hit South Korean Netflix show Culinary Class Wars, dahil dadalhin ni Chef Choi Hyun Seok ang kanyang signature creations sa Manila.

Simula April 11 hanggang July 6, available ang mga carefully crafted dishes ni Chef Choi sa dalawang high-end locations: Finestra sa Solaire Resort North sa Quezon City at Waterside sa Solaire Resort Entertainment City sa Parañaque.

Isa sa mga must-try dishes ay ang iconic niyang vongole—na sumikat sa Episode 10 ng show matapos siyang ma-eliminate nang dahil sa isang nakalimutang sangkap: bawang. 

"Because when I thought back on what I did, I realized I forgot the garlic (Kasi nung binalikan ko yung ginawa ko, napansin kong nakalimutan ko yung bawang)," pag-amin ni Chef Choi sa episode. 

"Leaving garlic out of a vongole is like leaving chili powder out of a tteok-bokki (Ang hindi paglagay ng bawang sa isang vongole ay parang hindi paglagay ng chili powder sa tteok-bokki)," dagdag niya. Hindi biro—29 years na niyang niluluto ang pasta dish na ‘to, at first time niya lang talagang nalimutan ang bawang!

Pero sa Manila, walang ganitong palpak—sa Solaire, perfect ang vongole! Presyong P750, handang magpasikat!

Bukod sa vongole, marami pang highlight sa menu ni Chef Choi, kabilang ang: Seaweed soup (P680) na may hairtail fish at radish mula sa Episode 7 Jang Trio steak (P6,680) mula sa Episodes 4 at 5 Beans (P560) at Donut (P1,200) na may corn at caviar Bingsu (P2,000), isang Korean shaved ice dessert na special niyang ginawa para sa Solaire.

Sa interview niya with GMA News Online, ikinuwento ni Chef Choi ang kanyang experience sa Filipino cuisine. Sinubukan niya ang local favorites gaya ng adobo at sinigang, at napansin niyang kahawig ng lasa ng adobo ang Korea’s galbi jjim (braised short ribs). 

"The taste is very similar. However, the sourness of the soup surprised me (Halos magkapareho ang lasa. Pero nagulat ako sa asim ng sabaw)," kwento niya tungkol sa sinigang. 

"There are new flavors that I've tasted with Filipino dishes as well as some familiarities with Korean cuisine (May mga bagong flavors akong natikman sa Filipino dishes, pero may pagkakahawig din sa Korean cuisine)," dagdag niya.

Ang Culinary Class Wars ay isang matinding kompetisyon kung saan 100 restaurant chefs at amateur cooks ang naglalaban-laban. Ayon sa Netflix, malapit na ang Season 2—abangan ‘yan sa 2025!

Larawan: iOrbitNews Online/Facebook