Anjo Yllana, umamin: bluff lang daw laban kay Sen. Tito Sotto; nagka-'ceasefire' kay Vic at Maru Sotto
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-11-04 17:02:06
Nobyembre 4, 2025 – Nang umugong online ang mga patama ni Anjo Yllana laban kay veteran TV host at Senate President Tito Sotto, marami ang napa-“Hala!” at nag-abang ng pasabog. Pero nitong Martes, Nobyembre 4, inamin ng aktor-TV host na “pang-bluff” lang ang mga banta niya tungkol sa umano’y “chicks” ng senador.
Ayon kay Anjo, nabuwisit umano siya sa mga trolls na nagba-bash sa kanya sa social media—na paniwala niya’y konektado sa kampo ni Tito Sotto at ng Eat Bulaga! hosts. Dahil dito, nakapagbitaw siya ng matitinding pahayag sa kanyang TikTok livestream, kung saan may higit 81K siyang followers.
“Binluff ko si Tito Sen… Hindi ko naman akalain na buong Pilipinas magkakagulo,” natatawang sabi ni Anjo sa panayam.
Aminado ang aktor na may hinanakit pa siya mula sa kontrobersiyang kinasangkutan ng Eat Bulaga! at TAPE, Inc. Naging target siya ng bashers matapos siyang magkomento noon tungkol sa pag-aari ng programa—bagay na hindi ikinatuwa ng dating co-hosts.
Dagdag pa niya, kaya raw siya sinusupalpal ng trolls ay dahil outspoken siya tungkol sa ilang isyu sa gobyerno, kung saan kaalyado si Tito Sotto ng administrasyon.
“Hindi naman ako naninira. Nagbibigay lang ako ng opinyon… Pero siyempre may magagalit,” giit niya.
Pero tila tapos na ang word war—kahit saglit lang—matapos makipag-usap si Anjo kina Vic at Maru Sotto, mga kapatid ni Tito Sotto. Mainit daw ang una nilang palitan, pero sa huli ay nagka-ayos din.
“Nagkasundo kami — ceasefire! Mananahimik na lang ako,” ani Anjo, sabay sabing hindi siya humingi ng sorry at wala ring sorry mula sa kabila.
Inamin niya ring hindi na niya itutuloy ang pagbubunyag tungkol sa umano’y “other woman” ng senador:
“Namba-bluff lang ako para tumigil ang trolls.”
Sa kabila noon, duda pa rin si Anjo na walang trolls ang kampo ni Tito Sotto—pero pinili na raw niyang iwasan ang gulo.
Samantala, hindi na raw papatulan ni Senator Sotto ang usapin. Sa Senate press, simple lang ang sagot niya:
“Huwag niyo nang pansinin. Nagpapapansin lang.”
Sa ngayon, tahimik na muna si Anjo sa vlogging tungkol kay Tito Sen… pero alam naman ng showbiz world: kapag may kontrobersiya, may babalik at may abang!
Bantayan ang susunod pang kabanata—dahil tiyak, di pa tapos ang teleserye ng totoong buhay.
