Diskurso PH
Translate the website into your language:

Millie Bobby Brown, nagreklamo umano laban kay David Harbour dahil sa bullying at harassment sa set ng Stranger Things

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-11-05 11:29:08 Millie Bobby Brown, nagreklamo umano laban kay David Harbour dahil sa bullying at harassment sa set ng Stranger Things

Nobyembre 5, 2025 – Usap-usapan ngayon sa Hollywood ang balitang nagsampa umano ng reklamo si Stranger Things star Millie Bobby Brown laban sa kanyang co-star na si David Harbour dahil sa umano’y bullying at harassment sa set ng hit Netflix series.

Ayon sa mga ulat, nagsumite raw ng formal complaint ang 21-anyos na aktres bago pa man magsimula ang huling season ng Stranger Things. Sinasabing umabot sa “pages and pages” ang mga reklamo ni Millie laban kay David, at tumagal daw ng ilang buwan ang internal investigation.

Nilinaw naman ng ulat na walang kasamang sexual misconduct sa mga alegasyon.

Bukod pa rito, may sarili raw na personal representative si Millie sa set habang kinukunan ang Stranger Things Season 5, na natapos ang shooting noong Disyembre 2024.

Hanggang ngayon, wala pang opisyal na pahayag sina Millie, David, o ang Netflix hinggil sa isyu.

Mag-ama sa screen, magkaalitan sa likod ng kamera?

Kilala ng mga fans ng Stranger Things ang matibay na father-daughter bond nina Eleven (Millie) at Chief Jim Hopper (David)—isa sa pinaka-emotional na relasyon sa serye. Kaya naman ikinagulat ng marami ang isyung ito, lalo’t kilala si David na malapit sa aktres.

Sa isang panayam noong 2021, ibinahagi pa ni David kung gaano siya ka-protective kay Millie, lalo na nang sumikat ito nang husto.

 “Millie and I have always had sort of a special relationship… I have a real protective feeling for her. I worry about her and all that she has to struggle with,” ani ng aktor noon.

Dahil dito, maraming fans ang nabigla at nagulat sa umano’y reklamo ng aktres laban sa kanyang on-screen father.

Tuloy pa rin ang Stranger Things finale

Sa kabila ng kontrobersiya, tuloy pa rin ang pagpapalabas ng huling season ng Stranger Things na hinati sa tatlong bahagi:

Volume 1: November 26, 2025

Volume 2: December 5, 2025

Finale: December 31, 2025

Habang hinihintay pa ang mga pahayag ng mga sangkot, patuloy na umaasa ang mga fans na maaayos ang isyung ito sa likod ng kamera—lalo na’t isa ito sa mga pinakaminamahal na duo ng Netflix universe.