Miss Universe 2025 pageant, gulo agad sa Thailand! Queens nag-walkout matapos bastusin umano ni Nawat ang kandidata ng Mexico
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-11-05 07:29:02
Nobyembre 5, 2025 – BULAGTA ang Miss Universe 2025 kickoff event sa Thailand matapos ang mainit na sagutan sa pagitan ni Nawat Itsaragrisil, National Director ng Miss Universe Thailand at Executive Director ng Miss Universe Organization (MUO), at ng kandidata ng Mexico na si Fatima Bosch.
Ayon sa ulat ng Philstar.com, nagsimula ang tensyon bago pa man magsimula ang Sashing Ceremony, kung saan sana ipapakita nang live sa Facebook page ng MUT ang pagpapakilala ng mga kandidata.
Habang nagdi-deliver ng speech si Nawat tungkol sa mga “promo activities” at mga sponsor na umano’y konektado sa online casinos (na ilegal sa Thailand), tinawag niya si Fatima at pinuna ang pagiging “sunod-sunuran” umano nito sa kanilang national director.
Sa harap ng mga kandidata, binitiwan ni Nawat ang linya na nagpasabog ng eksena:
“If you follow orders from your national director, you are dumb.”
Dito na rumesbak si Fatima at pinagtanggol ang sarili, sinabing mayroon din siyang boses at karapatang magsalita. Pero tila hindi ito nagustuhan ni Nawat na agad siyang pinatayo at pinaalis sa venue.
“You are not respecting me as a woman,” giit ni Fatima bago siya pinalabas ng security—na sinabayan ng mga audible gasps at groans mula sa ibang queens.
Kasunod nito, umalis din sa event si reigning Miss Universe Victoria Kjaer Theilvig bilang protesta. Sa labas ng venue, sinabi ng Danish beauty na “to trash another girl is beyond disrespectful,” at hindi ito ang “women empowerment” na dapat isinusulong ng MUO.
Hindi rin napigilan ng ilang kandidata gaya ng mula sa Palestine, Costa Rica, Panama, Puerto Rico, at Iraq na makiisa sa walkout bilang suporta kay Fatima. Sa Instagram story ni Victoria, ipinost niya ang larawan ng mga nag-walkout na queens na may caption:
“This is women empowerment. This is sisterhood. Forever and always.”
Sa harap ng media, sinabi ni Fatima na mahal niya ang mga Thai people ngunit hindi niya matatanggap ang pambabastos.
“This platform is meant for our voice, and no one can shut our voice,” ani pa ng Mexican beauty.
Sa ngayon, nananatiling on schedule pa rin ang coronation night ng Miss Universe 2025 sa Nobentauno Hall, Bangkok sa November 21, kung saan umaasang makukuha ni Ahtisa Manalo ng Pilipinas ang ikalimang Miss Universe crown ng bansa.
Coincidentally, huling nagwagi ang Pilipinas noong 2018—sa parehong bansang host—sa pamamagitan ng ka-batch ni Ahtisa sa Binibining Pilipinas na si Catriona Gray.
Abangan kung tuloy-tuloy pa rin ang kompetisyon matapos ang kontrobersyal na walkout na ito!
