Diskurso PH
Translate the website into your language:

FTTM, naglabas ng matinding pahayag matapos biglang ma-disable kasama ang ibang pages

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-12-06 23:24:08 FTTM, naglabas ng matinding pahayag matapos biglang ma-disable kasama ang ibang pages

Disyembre 6, 2025 – Naglabas ng matinding pahayag ang FTTM ngayong umaga matapos biglang ma-disable ang kanilang page, kasabay ng ilang kilalang online platforms gaya ng Rappler, Bilyonaryo News Channel, at ang page ni Atty. Falcis.

Ayon sa FTTM, hindi dahil sa kakulangan ng resources o pagkapagod ang pagkawala ng kanilang page, kundi bunga ng isang gawa-gawang trademark complaint na umabot sa Meta. “Hindi dahil naubusan ng lakas. Hindi dahil napagod. Pero dahil may isang reklamong gawa-gawa… Ang tapang ng keyboard, mahina sa logic,” ani ng kanilang pahayag.

Idinagdag ng FTTM na ang biglaang pagtanggal ng mga pages na tumututok sa transparency at accountability ay hindi aksidente. “Parang sabay-sabay nawala ang mga page na nagpapakita ng tapang sa pagtatanong at paghamon sa kapangyarihan. Coincidence ba yon? O masyado na tayong matanda para maniwala sa coincidence kapag iisa ang pattern, iisa ang target, at iisa ang allergic sa katotohanan?” ani pa nila.

Nilinaw ng FTTM na ang ganitong mga hakbang ay hindi makakapigil sa kanilang paninindigan. “Hindi takedown ang katapusan ng laban. Hindi complaint ang makakapigil sa katotohanan. At hindi mapapatahimik ang sambayanang sawa na sa kasinungalingan. We will rise. We will rebuild. And we will keep asking the questions they fear the most,” ayon sa kanilang statement.

Ang pangyayaring ito ay nagdulot ng malawakang pagtatanong sa publiko at netizens kung may pattern ang coordinated na pag-disable sa mga page na kritikal sa katiwalian, abuso sa kapangyarihan, at iba pang isyung panlipunan.

Wala pang opisyal na pahayag mula sa Meta kung kailan maibabalik ang mga apektadong pages o kung anong aksyon ang kanilang gagawin ukol sa mga reklamo.