Diskurso PH
Translate the website into your language:

Joshua Zamora, sinagot ang bastos na basher na minamaliit si Jopay: 'Pinili ko ang taong bigay ng Diyos'

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-12-06 23:15:39 Joshua Zamora, sinagot ang bastos na basher na minamaliit si Jopay: 'Pinili ko ang taong bigay ng Diyos'

Disyembre 6, 2025 – Hindi nagpasindak si Joshua Zamora nang minsang may basher na kumutsa sa kanyang asawang si Jopay Paguia, calling her “pipityuging babae” at sinasabing “naghirap” daw siya dahil “sa dancer lang siya nabagsak.”

Pero imbes na pumatol sa init ng ulo, classy clapback ang ibinigay ng former Maneouvres member.

Joshua: “Hindi ako napunta sa mali.”

Noong December 2, ni-repost ni Joshua ang screenshot ng comment—pero hindi para makipag-away.

Bagkus, gumawa siya ng mahabang open letter na puno ng respeto, faith, at pagpupunto na walang sinuman ang dapat minamaliit base sa trabaho o estado sa buhay.

Sabi ng basher:

“Sayang talaga si Joshua… sa isang dancer lang nabagsak. Naghihirap tuloy.”

Pero sagot ni Joshua, deretsahan pero may class:

“Hindi ko sinusukat ang halaga ng tao base sa trabaho o titulo. Ang Diyos ang nakakaalam ng tunay na laman ng puso.”

Binigyan pa niya ng Bible verses ang basher—pang mabuting asal 101.

“Prudent wife is from the Lord.”

Dagdag ni Joshua, si Jopay ang tamang tao para sa kanya—hindi dahil sa trabaho nito, kundi dahil ito ang taong tapat, nagmamahal, at kasama niyang lumalaban sa buhay.

Sabi niya: “Hindi ako napunta sa mali. Pinili ko ang taong ibinigay ng Diyos.”

Nagbigay pa siya ng mga verses tulad ng 1 Samuel 16:7, Proverbs 19:14, at Ecclesiastes 4:9 para ipaunawa na ang tunay na pagpapala ay hindi nasusukat sa pera o social status.

“Respeto lang po.”

Sa huli, malinaw ang mensahe ni Joshua:

Hindi kailangang ibagsak ang ibang tao para ipilit ang sariling opinyon.

“Pinipili ko ang pag-ibig, kapayapaan, at pasasalamat sa biyaya ng Diyos.”

Sweet, classy, at matatag—kaya naman hindi nakapagtataka na solid ang relasyon nina Joshua at Jopay, mula dance floor hanggang married life.