Diskurso PH
Translate the website into your language:

Paolo Valenciano, umalma sa pagka-delay ng Pasig concert; nagsorry kay JBL, Cup of Joe—at may pasaring kay Rico Blanco

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-12-08 07:56:29 Paolo Valenciano, umalma sa pagka-delay ng Pasig concert; nagsorry kay JBL, Cup of Joe—at may pasaring kay Rico Blanco

Disyembre 8, 2025 – Naglabas ng matapang at diretsahang statement si TV at concert director Paolo Valenciano matapos ang naging aberya at matinding delay sa JBL Sound Fest na ginanap nitong Sabado, December 6, sa Parklinks Open Grounds sa Pasig City.

Sa isang maagang post nitong Linggo, inamin ni Direk Paolo na nawalan siya ng full control sa event—na nauwi sa malaking pagka-delay at dagdag na dalawang oras ng trabaho para sa pagod na pagod na production team.

“Tonight, I lost complete control of our event, which caused a major delay and added two extra hours of work to an already exhausted team,” aniya.

Humingi rin siya ng paumanhin sa JBL at sa OPM band na Cup of Joe, na aniya’y dumoble ang effort para lang makasunod sa bagong call time sa gitna ng matinding traffic. Banat pa niya, “Hindi late ‘yung Cup of Joe.”

Aminado ang direktor na frustrating ang nangyari lalo’t ito ang una niyang taon na maging bahagi ng JBL Sound Fest.

 “I sincerely apologize to our client JBL and to my brothers from Cup of Joe... This was my first year with JBL Sound Fest, so I found this incredibly frustrating.”

Nagbigay din siya ng personal reflection tungkol sa experience, sabay sabing marami pa siyang kailangang matutunan sa paghawak ng malalaking live events.

Pero ang pinaka pumukaw ng atensyon ng netizens ay ang bahaging tila diretso niyang mensahe para sa OPM icon na Rico Blanco, na performer din sa naturang event.

 “And to Rico, my hero, while I sincerely wish you the best, I’ve learned that we’re simply not meant to work together again.”

Hindi idinetalye ni Direk Paolo kung ano ang nangyari sa pagitan nila ni Rico, kaya mas umikot pa ang espekulasyon online.

Samantala, hindi pa nagbibigay ng anumang pahayag si Rico tungkol sa isyu. Nananatiling bukas ang posibilidad na magsalita ang magkabilang kam

po sa mga susunod na araw.