Diskurso PH
Translate the website into your language:

Hiling ng Pilipinas na i-extradite si Teves, ibinasura ng korte ng Timor-Leste

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-05-28 11:54:42 Hiling ng Pilipinas na i-extradite si Teves, ibinasura ng korte ng Timor-Leste

Mayo 28, 2025 — Tinanggihan ng Court of Appeal ng Timor-Leste ang hiling ng gobyerno ng Pilipinas na ipa-extradite si dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr., kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) nitong Huwebes.

Ipinahayag ng DOJ ang pagkabigla at matinding pagkadismaya sa desisyon, lalo na’t dalawang beses nang pumabor ang korte sa extradition — una noong Hunyo 2024, at muli noong Disyembre 2024.

“It is peculiar that after having twice decided in favor of extradition—first in June 2024 and again in December 2024—the Timor-Leste Court of Appeal has now reversed its stance, taking a complete 180-degree turn to reject the Philippines' extradition request,” ayon sa pahayag ng DOJ.

Humarap si Teves sa korte ng Timor-Leste upang kwestyunin ang proseso ng desisyon — partikular ang bilang ng mga hukom na bumoto pabor sa extradition — kaya’t iniutos ng korte ang muling presentasyon ng ebidensya.

Ikinatuwa naman ito ng kanyang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio, at tinawag na “tagumpay ng rule of law” at pagbatikos sa administrasyong Marcos.

“The decision… denying the request for extradition of Rep. Arnolfo Teves to the Philippines to face trumped-up charges fabricated by the oppressive and dictatorial Marcos government, is a triumph of the rule of law,” ani Topacio.

Ngunit iginiit pa rin ng DOJ na dapat harapin ni Teves ang mga kasong kinakaharap niya sa bansa.

“Mr. Teves is facing serious charges, including multiple counts of murder, and must be brought home to face the full force of the law,” ayon sa ahensya.

Humihingi na ngayon ang gobyerno ng Pilipinas ng paliwanag sa batayan ng bagong desisyon, habang hinihintay pa ang opisyal na kopya ng ruling.

Nanatili pa rin si Teves sa Timor-Leste habang mahigpit na mino-monitor ng mga awtoridad sa Pilipinas ang sitwasyon.