Diskurso PH
Translate the website into your language:

Romualdez mariing pinabulaanan ang alegasyong kickback, iginiit na hindi kailanman nakinabang sa pera ng bayan

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-09-25 22:34:52 Romualdez mariing pinabulaanan ang alegasyong kickback, iginiit na hindi kailanman nakinabang sa pera ng bayan

MANILA – Mariing pinabulaanan ni Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez ang alegasyon sa harap ng Senate Blue Ribbon Committee na may idineliver na male-maletang pera sa kaniyang tirahan bilang bahagi umano ng kickback sa mga government projects.


Sa isang pahayag, tinawag ng kongresista ang alegasyon bilang “pilit na pilit” at isang desperadong pagtatangka na idawit siya sa kontrobersya. Ayon kay Romualdez, imposible ang claim ng testigo na may delivery sa kaniyang property sa McKinley noong Disyembre 2024 dahil ang lugar ay kasalukuyang nirere-renovate at tanging construction workers lamang ang naroroon.


"The most telling flaw is the witness' claim that deliveries were made to McKinley beginning December 2024. Imposible iyan. That property has been under renovation... and was unoccupied except for construction workers," ani Romualdez.


Mariing iginiit ng kongresista na hindi siya kailanman nakinabang sa kickbacks sa anumang infrastructure project.


"I remained silent out of respect for the process, but now that my name has been maliciously dragged into this controversy, I will fight back — not with rhetoric, but with evidence," dagdag niya.


Dagdag pa ni Romualdez, hindi niya kailangan ang perang galing sa masama at hindi rin siya nagbigay ng pahintulot sa kahit sino na gumawa ng anumang kilos na makakasira sa tiwala ng publiko o makasisira sa kaniyang pangalan.


"This is clearly political and the product of coaching. I will not allow these perjurious statements to pass unchallenged. Hindi ko ito palalampasin," giit ng kongresista.


Sa kasalukuyan, nananatiling tampok sa Senate Blue Ribbon Committee ang mga imbestigasyon kaugnay ng umano’y kickback sa mga government projects, kabilang ang alegasyon laban sa ilang mambabatas.


????: Martin Romualdez