Diskurso PH
Translate the website into your language:

Bato: Handa akong magbitiw kung mapatunayang sangkot si Villanueva sa flood control

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-09-25 21:44:07 Bato: Handa akong magbitiw kung mapatunayang sangkot si Villanueva sa flood control

MANILA – Iginiit ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa Senate Blue Ribbon Committee ngayong Huwebes, Setyembre 25, na handa siyang magbitiw sa puwesto kung mapatutunayang may kinalaman sa flood control anomalies si Senador Joel Villanueva.


Sa kanyang pahayag sa pagdinig, tinutulan ni dela Rosa ang alegasyon na humingi si Villanueva ng pondo mula sa mga proyekto sa flood control. Ayon sa senador, matagal na niyang naririnig na ayaw umano ni Villanueva ng flood control projects dahil galit ito sa mga proyektong nagdudulot ng pagbaha sa Bulacan.


“Kung sabihin mo na humingi siya sa inyo ng flood control, dahil ilang taon ko nang naririnig 'yan na sinasabi niya na ayaw niya ng flood control, galit na galit siya dahil ang Bulacan nababaha ng flood control... I am sure hindi 'yan nangyari,” ani dela Rosa.


Dagdag pa niya, kung may naiparating na tulong sa kanyang anak na nagmula sa flood control funds, tiyak umano na tatanggi ito si Villanueva.


“Kung sinabi mo sana sa bata niya na itong pera na ito para kay Joel Villanueva... tulong ko sa kaniya, galing ito sa flood control. Sigurado ako, hindi (niya) tatanggapin 'yun. Magwawala 'yun... Pero kung sinabi sana ninyo na 'yung tulong na ibinigay mo (ay) galing sa flood control, baka sasakalin ka pa noon,” paliwanag ni dela Rosa.


Ang pahayag ni dela Rosa ay bahagi ng mas malawak na imbestigasyon ng Senado sa umano’y anomalya sa pondong inilaan sa flood control projects sa ilang rehiyon. Patuloy ang pagdinig ng Blue Ribbon Committee upang matukoy ang lawak ng alegasyon at kung sino ang may pananagutan.


Larawan mula sa  Senate