Diskurso PH

Konduktor ng EDSA bus, pinagkakakagat ng pasaherong may mental health condition


Marijo Farah A. Benitez • Ipinost noong 2025-07-06 13:49:23
Konduktor ng EDSA bus, pinagkakakagat ng pasaherong may mental health condition

HULYO 6, 2025 — Pinagkakakagat ang isang konduktor ng EDSA Bus Carousel ng isang pasaherong may mental health condition sa Guadalupe, Makati City. Kinilala ang pasahero bilang parehong tao na sangkot sa isang viral na pagkagat noong nakaraan. Inatake niya si Ricky De Guzman, ang konduktor, noong Biyernes ng hapon. 

Sumakay raw ng bus ang lalaki sa Quezon City, at nang makarating sa Guadalupe, bigla na lamang niyang sinubukang kagatin ang isang bata. Nang pumagitna si De Guzman, siya naman ang tinarget, at siya’y nakagat sa braso at likod. Sinipa umano ng isa pang pasahero ang lalaki para mapigilan siya.

Natukoy ni De Guzman ang lalaki mula sa insidente noong Hunyo, kung saan nakagat na rin nito ang ilang pasahero bago mahuli. Agad na iniulat ng konduktor ang lalaki sa mga awtoridad, pero nabigo siya nang hindi man lang dinakip ang pasahero.

Tumakas ang suspek nang tumigil ang bus at dumating ang mga tauhan ng SAICT at Philippine Coast Guard. Nagpaospital si De Guzman, nagpaturok ng anti-rabies, at nagsumite ng report sa barangay. Hindi na raw siya maghahabla, pero nanawagan siya ng mas maayos na monitoring sa mga taong may violent tendencies para ligtas ang lahat.

Nagsasagawa na ng hakbang ang Baclaran Metrolink kasama ang DOTr at SAICT para maiwasan ang ganitong mga insidente, kabilang ang dagdag na pagsasanay sa mga tauhan pata sa pakikitungo sa mga pasaway na pasahero.

 

(Larawan: YouTube)