Dalawang magkahiwalay na sunog, sumiklab sa Lahug at Inayawan sa Cebu
Ana Linda C. Rosas Ipinost noong 2025-09-22 21:23:22
Cebu City —Dalawang magkahiwalay na sunog ang tumama sa Barangay Lahug at Barangay Inayawan sa Cebu City nitong Linggo, na nagdulot ng pinsala sa mga kabahayan at matinding pagkabahala sa mga residente, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office (CCDRRMO).
Ayon sa BFP, nasunog ang 52 kabahayan sa naturang lugar, na nagresulta sa pagkadispatsa ng 96 pamilya, o katumbas ng 349 indibidwal. Tinatayang aabot sa P1.5 milyon ang halaga ng pinsala.
Ang unang at mas malaking sunog ay nagsimula dakong alas-10:40 ng umaga sa Sitio Camagong, Barangay Lahug, at agad na umakyat sa ika-apat na alarma dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy. Idineklarang kontrolado ng BFP ang sunog alas-11:30 ng umaga at tuluyang idineklarang “fire out” pagsapit ng tanghali.
“Mabuti na lamang at mabilis ang pagresponde ng ating mga tauhan at ng mga residente kaya’t walang naitalang nasawi o nasaktan sa insidente,” pahayag ni SFO1 Mario C Miano ng BFP Cebu City.
Makalipas ang ilang oras, isa na namang sunog ang naiulat sa Sitio Ulingan, malapit sa Sunshine Village, Barangay Inayawan. Naitala ang alarma bandang alas-12:29 ng hapon at umakyat sa unang alarma makalipas ang 15 minuto. Sa mabilis na pagresponde ng mga bombero, agad na nakontrola ang apoy at idineklarang “fire out” pagsapit ng alas-12:55 ng tanghali.
“Bagama’t maliit lamang ang sunog sa Inayawan, nagpatunay ito ng kahandaan ng ating pwersa na maagap na rumesponde para hindi na lumala ang sitwasyon,” dagdag pa ng opisyal.
Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng parehong sunog habang nakikipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan para sa agarang tulong sa mga naapektuhang pamilya.
larawan/google