Diskurso PH
Translate the website into your language:

Lalaki patay sa saksak sa anti-korapsyon rally sa Maynila

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-09-22 13:28:23 Lalaki patay sa saksak sa anti-korapsyon rally sa Maynila

MANILA — Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang nasawi matapos masaksak sa gitna ng kaguluhan sa kilos-protesta laban sa katiwalian sa Recto Avenue, Maynila noong Linggo, Setyembre 21, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Lunes.

Ayon sa ulat ng Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC), ang biktima ay idinakip sa ospital ngunit idineklara nang dead on arrival dahil sa tinamong saksak sa katawan. Bukod sa kanya, 48 katao ang isinugod sa ospital, kabilang ang dalawang pulis na nagtamo ng minor injuries gaya ng galos at pasa.

Anim pang indibidwal ang nagtamo ng iba’t ibang uri ng pinsala, kabilang ang gunshot wound, eye trauma, head trauma, at sugat sa ugat ng kaliwang braso. Apat sa kanila ay nakalabas na ng ospital matapos gamutin, habang dalawa ang nananatiling naka-admit.

Samantala, 39 rallyists na inaresto ay sumailalim sa physical examination bago ikinulong. Ayon sa DOH, wala namang agarang banta sa kanilang kalusugan. “Tinitiyak ng DOH na sakop pa rin ng Zero Balance Billing ang mga pasyenteng ito,” pahayag ni Health Secretary Ted Herbosa.

Ang kaguluhan ay naganap matapos ang malawakang protesta na nagsimula sa Luneta Park at nagtapos sa Mendiola Peace Arch, kung saan ilang grupo ang nagkaroon ng sagupaan sa mga pulis. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang mga responsable sa insidente.