Diskurso PH
Translate the website into your language:

Delivery Rider patay matapos mag overtake at mabangga sa kasalubong na pick-up

Ana Linda C. RosasIpinost noong 2025-09-23 22:13:31 Delivery Rider patay matapos mag overtake at mabangga sa kasalubong na pick-up

Lapu-lapu, Cebu– Isang delivery rider ang nasawi matapos makabanggaan ang isang pick-up truck sa isang bahagi ng highway sa Barangay Maribago Lapu-lapu City  Cebu, matapos umano itong mag-overtake sa sinusundan niyang motorsiklo.


Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nag-overtake ang biktima sa kasabay na motorsiklo, dahilan para mapunta siya sa kabilang linya ng kalsada. Sa puntong iyon ay bumangga siya sa kasalubong na pick-up.


Dahil sa tindi ng impact, agad na binawian ng buhay ang rider sa mismong lugar ng insidente.


Dinala naman sa himpilan ng pulisya ang driver ng pick-up at pansamantalang ikinulong. Gayunpaman, nakalabas na ito matapos makipag-areglo ang pamilya ng biktima. At hindi na nagbigay iba pang pahayag


Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang kaso. Bagama’t nakipag-areglo na ang pamilya ng biktima, tiniyak ng pulisya na susuriin pa rin ang lahat ng ebidensya kaugnay ng insidente. 

larawam/google