Mon Tulfo binanatan si Marcoleta, pinuri si Lacson,kinumpara sa isang tricycle at luxury car
Ana Linda C. Rosas Ipinost noong 2025-09-23 21:00:34
Setyembre 23, 2025–Hindi napigilan maliitin ni Mon Tulfo si Senador Rodante Marcoleta at inihambing ito sa tricycle kumpara sa kasalukuyang Senate Blue Ribbon Committee Chairman Ping Lacson na maari umanong ihalintulad sa isang luxury car brand.
Nagbigay ng matapang na pahayag ang columnist at broadcaster Ramon “Mon” Tulfo hinggil sa pagkakaiba nina Senador Rodante Marcoleta at Senador Panfilo “Ping” Lacson, matapos ang pagbabago ng pamumuno sa Senate Blue Ribbon Committee.
Ang pahayag na ito ay base na rin sa kasalukuyang nagaganap na pagdinig sa Senado na may kauganayan sa maanomalyang flood control project. Ang takbo ng usapin at paraan sa paghawak ng chairmanship ay makikita ang pagkakaiba.
Sa kanyang komentaryo, ikinumpara ni Tulfo si Marcoleta sa isang tricycle habang si Lacson naman ay inihalintulad sa isang luxury car. Ayon sa kanya, bagama’t hindi niya sinasabing walang integridad si Marcoleta, mas subok at may matatag na reputasyon si Lacson pagdating sa seryosong imbestigasyon.
“Di ko sinasabing walang integridad si Dante Marcoleta na pinalitan ni Lacson bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee. Pero subok na si Lacson na may integridad,Oo nga’t abogado si Marcoleta at si Lacson ay hindi."
” ani Tulfo.
“Magaling si Ping at seryoso sa imbestigasyon,Oo nga’t abogado si Marcoleta at si Lacson ay hindi."dagdag pa niya.
Noong Setyembre 2025, si Senador Lacson ang itinalagang bagong chairman ng Blue Ribbon Committee kapalit ni Senador Marcoleta. Ang hakbang na ito ay nakitang mahalagang pagbabago sa Senado, lalo’t kilala si Lacson bilang dating hepe ng Philippine National Police at matagal nang itinuturing na “no-nonsense” investigator.
Nag-ugat ang pahayag matapos maguluhan ang ilang sesyon ng Blue Ribbon Committee sa ilalim ni Marcoleta, kung saan nagkaroon ng tensyon sa istilo ng pagtatanong. Ang pagkakatalaga kay Lacson bilang bagong chair ay inaasahang magdadala ng mas istriktong pamamalakad sa mga imbestigasyon.
Si Lacson ay ilang beses nang pinuri sa kanyang prinsipyo laban sa katiwalian at sa masinop na paggamit ng pondo ng gobyerno.
Samantala, nakilala naman si Marcoleta sa mga matitinding pahayag at madalas na mainit na pagtatanong sa mga pagdinig.Sa kabila nito, may ilang kritiko na nagsasabing kulang pa siya sa teknikal expertise kumpara sa istilo ni Lacson. Madalas pinaiiral ang init ng ulo.
Kilalang matapang at diretsong magsalita si Tulfo sa kanyang mga kolum at komentaryo. Ang paggamit niya ng makulay na metapora tulad ng “tricycle” at “luxury car” ay tugma sa kanyang reputasyon bilang blunt na komentarista na hindi nag-aatubiling magbigay ng matitinding obserbasyon.
larawan/google