Diskurso PH
Translate the website into your language:

Panukalang tanggalin ang 1000 at 500 bill upang makatulong laban sa korapsyon

Ana Linda C. RosasIpinost noong 2025-09-24 13:06:23 Panukalang tanggalin ang 1000 at 500 bill upang makatulong laban sa korapsyon

MANILA, Philippines – Panukala ni dating Finance Secretary Cesar Purisima nitong Miyerkoles na alisin ang ₱500 at ₱1,000 bills upang makatulong laban sa korapsyon, at gawin na ang pinakamalaking denomination sa ₱200.

Kapag mas maliit ang denomination, kailangan ng mas maraming papel na pera para sa malalaking transaksyon. Kung may magnanakaw o corrupt na opisyal, mas mahirap magtago o maglipat ng milyon-milyon na cash.


 Kapag wala nang ₱1,000 o ₱500, baka mas hikayatin ang paggamit ng digital payments o bank transfers.  A tmas madaling ma-monitor ang daloy ng pera – dahil mas malalaki ang cash bulk, mas madaling makita kung may kahina-hinalang transaksyon.

Giit ni Purisima, mas mapapamahal at magiging abala ang pagtatago ng nakaw na pera kung mas maliit ang halaga ng bawat bill.

Binigyang halimbawa niya ang alegasyon na ₱1 bilyon ang dinala sa isang hotel penthouse gamit ang maleta. 

“Now imagine if the largest bill in circulation were only ₱200. That same ₱1 billion would have needed 100 suitcases, a convoy of vehicles, and a warehouse just to store the cash… The sheer impracticality would make this kind of corruption much harder to hide,” aniya sa Facebook post.

Lumabas ang pahayag matapos isawalat ng dating DPWH engineers na bilyong pondo sa flood control ang napunta kay Rep. Elizaldy Co.

Kaugnay nito, nagtakda ang Bangko Sentral ng Pilipinas ng ₱500,000 daily limit sa over-the-counter cash withdrawals bilang bahagi ng hakbang laban sa money laundering na konektado sa nasabing anomalya.

larawan/google