Isang malakas na lindol na naman! Magnitude 6.2 na lindol yumanig sa Surigao del Sur; posibleng may aftershocks ayon sa Phivolcs
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-10-11 23:36:48
Oktubre 11, 2025 — Isang malakas na lindol na may lakas na magnitude 6.2 ang tumama sa karagatang silangan ng Cagwait, Surigao del Sur nitong Sabado ng gabi, Oktubre 11, 2025, bandang 10:32 p.m., ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, ang lindol ay tectonic ang pinagmulan, na nangangahulugang dulot ito ng paggalaw ng mga fault line sa ilalim ng lupa, at hindi ng pagsabog ng bulkan. Natukoy ang sentro ng pagyanig sa layong 22 kilometro hilagang-silangan ng bayan ng Cagwait, sa lalim na 10 kilometro. Dahil mababaw ang pinagmulan nito, mas malakas ang epekto ng pagyanig sa mga kalapit na lugar.
Naitala ng Phivolcs ang Intensity IV sa Lungsod ng Davao, at sa mga bayan ng Cagwait at Carmen sa Surigao del Sur, kung saan ramdam ang pag-uga ng mga gusali at pagkilos ng mga nakasabit na kagamitan. Samantala, Intensity III naman ang naramdaman sa Bislig City, Surigao del Sur, at sa Mati City, Davao Oriental.
Bukod dito, naitala rin ang instrumental intensities o mga sukat mula sa mga seismic instruments sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kabilang ang Cabadbaran City sa Agusan del Norte, Nabunturan sa Davao de Oro, at Hinunangan at Silago sa Southern Leyte.
Bagama’t wala pang ulat ng malaking pinsala o nasawi, pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na maging maingat dahil may posibilidad ng mga aftershock sa mga susunod na oras o araw. Pinayuhan ng ahensya ang mga residente, lalo na sa mga coastal areas, na manatiling kalmado ngunit alerto, at agad lumikas sa mga lumang gusali o estrukturang may bitak o sira.
Wala namang banta ng tsunami matapos ang naturang lindol, ngunit patuloy na mino-monitor ng Phivolcs ang galaw ng dagat at kalagayan ng mga apektadong lalawigan.
Samantala, nagpapatupad na ng precautionary checks ang mga lokal na pamahalaan sa Surigao del Sur, Davao Oriental, at karatig-probinsiya upang masuri ang mga imprastruktura, paaralan, at ospital. Nagpaalala rin ang mga awtoridad sa publiko na maging handa sa anumang emerhensiya at sundin ang mga alituntunin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Patuloy namang nananawagan ang Phivolcs sa publiko na maging mapagmatyag at huwag magpakalat ng maling impormasyon habang nagpapatuloy ang kanilang pagsusuri sa mga posibleng epekto ng lindol. Inaasahan nilang maglalabas ng karagdagang abiso sa sandaling may bagong datos o kaganapan kaugnay sa nasabing pagyanig.
Larawan mula sa Philvocs
Rep. Bong Suntay, itinanggi ang vaping sa plenaryo; sinabing breathing aid lamang ang hawak
2025-10-11 Gerald Ericka Severino
Dating kawani ng NIA-10, pinagbabaril sa Cagayan de Oro; may kaugnayan sa pagsisiwalat ng korapsyon
2025-10-11 Gerald Ericka Severino
'Handa ba ang gobyernong ito kung tatama na ang The Big One sa Metro Manila? O magbebenta ulit ng 20 per kilo ng bigas at puro photo op sa mga sirang building?' - Rowena Guanzon
2025-10-11 Gerald Ericka Severino
PCO training building sa Bukidnon, pinapasilip ni Gatchalian
2025-10-11 Margret Dianne Fermin
GSIS inilunsad ang ‘Digital Ginhawa Loan’ para sa mga kawani ng gobyerno
2025-10-11 Margret Dianne Fermin
Magnitude 5.0 na lindol yumanig sa Zambales — PHIVOLCS
2025-10-11 Margret Dianne Fermin
Mga barangay official at tanod na tumangging maghatid ng pasyente sa GMA, Cavite ng ambulansya, iniimbestigahan ng DILG
2025-10-11 Gerald Ericka Severino
Mon Tulfo, pinanindigang nagwala si Sen. Mark Villar nang humarap sa ICI
2025-10-11 Margret Dianne Fermin
Farm-to-market roads, babantayan ng DA matapos ang overpriced projects
2025-10-11 Margret Dianne Fermin