Diskurso PH
Translate the website into your language:

DTI, binabantayan ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa Cebu kasunod ng ‘state of calamity’

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-11-12 23:51:56 DTI, binabantayan ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa Cebu kasunod ng ‘state of calamity’

CEBU PROVINCE — Sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na mahigpit nilang minomonitor ang presyo ng pangunahing bilihin sa Cebu matapos ideklara ang probinsya sa ilalim ng state of calamity dahil sa sunod-sunod na kalamidad.

Ayon kay DTI Secretary Ma. Cristina Aldeguer-Roque, ibinigay niya ang katiyakan na patuloy nilang binabantayan ang merkado sa pagpupulong nila kay Governor Pamela Baricuatro sa Cebu Provincial Capitol noong Nobyembre 12. Sa ilalim ng Seksyon 6 ng Republic Act 7581, na inamyendahan ng RA 10623 o Price Act, awtomatikong ipinapatupad ang price freeze o price control sa pangunahing pangangailangan sa mga lugar na nasa ilalim ng disaster o calamity declaration. Ang naturang patakaran ay epektibo hanggang 60 araw, maliban kung maagang alisin.

Kasama sa pagpupulong sina DTI Central Visayas Director Esperanza Melgar at DTI Cebu Provincial Director Marivic Aguilar, habang kasama naman si Governor Baricuatro ang Provincial Administrator na si Atty. Ace Durano at si Paolo Uy.

Ipinahayag din ni Secretary Roque ang plano ng DTI na magtatag ng DTI Innovation Hub sa Cebu sa pakikipagtulungan ng Provincial Government. Ang nasabing hub ay magbibigay ng integrated services tulad ng technical assistance, startup incubation, streamlined regulations, digital onboarding, at investor matching. Layunin nito na palakasin ang kakayahan ng mga Pilipinong negosyo na makipagsabayan sa pandaigdigang merkado at mapalakas ang ugnayan ng gobyerno at pribadong sektor. (Larawan: Cebu Province / Facebook)