Diskurso PH
Translate the website into your language:

‘Isang malaking kabulastugan’ — Sen. Imee Marcos sa umano’y arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC)

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-11-12 23:35:17 ‘Isang malaking kabulastugan’ — Sen. Imee Marcos sa umano’y arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC)

MANILA Tinawag ni Senadora Imee Marcos na “isang malaking kabulastugan” ang mga ulat na mayroon nang inilabas na warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) laban kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring ipinapakitang opisyal na dokumento.

Ayon kay Marcos, tila nagiging magulo ang mga pahayag ng ilang opisyal ng gobyerno ukol sa isyu. Binanggit niya ang umano’y hindi pagkakatugma ng mga pahayag nina Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla, Chief Presidential Legal Counsel Lucas Bersamin, at ng kapatid ni Remulla na si DILG Secretary Jonvic Remulla.

“Talaga bang nililito ba tayo?” tanong ng senadora sa mga mamamahayag ngayong Miyerkules, Nobyembre 12.

Una nang sinabi ni Ombudsman Boying Remulla na mayroon na umanong warrant mula sa ICC, ngunit hindi pa ito maaaring ilabas dahil hindi pa dumaraan sa official channels.
Samantala, nilinaw naman ni Secretary Jonvic Remulla na ang hawak na kopya ng kanyang kapatid ay mula lamang sa “third source” at hindi galing mismo sa ICC.

Patuloy namang hinihintay ng publiko ang opisyal na kumpirmasyon mula sa International Criminal Court. (Larawan: Imee Marcos / Facebook)