Diskurso PH
Translate the website into your language:

PCG official, patay matapos subukang iligtas ang nalulunod na swimmer sa Calatagan

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-11-13 00:02:56 PCG official, patay matapos subukang iligtas ang nalulunod na swimmer sa Calatagan

CALATAGAN, Batangas — Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) Calatagan ngayong Miyerkules, Nobyembre 12, isang opisyal ng PCG ang namatay matapos subukang iligtas ang isang nalulunod na swimmer kahapon, Nobyembre 11.

Ayon sa PCG, habang tumutulong ang nasabing opisyal sa lifeguard upang mailigtas ang biktima, nawawala siya sa tubig. Nang matagpuan, agad siyang isinailalim sa cardiopulmonary resuscitation (CPR) at dinala sa ospital, ngunit idineklarang “dead on arrival” ng mga doktor.

Samantala, nakaligtas ang nalulunod na swimmer matapos ang mabilis na aksyon ng lifeguard.

Nagpaalala ang mga awtoridad sa publiko na maging maingat sa paglangoy sa dagat, lalo na kung masama ang panahon o malakas ang alon. Pinayuhan din ng PCG ang lahat na huwag isugal ang sariling buhay sa pagsagip kung wala ang tamang kasanayan at kagamitan sa water rescue.

Ang insidente ay isang paalala ng panganib ng malalakas na alon at kahalagahan ng alertness at safety precautions sa baybayin. (Larawan: PCG / Facebook)