Diskurso PH
Translate the website into your language:

Bagong silang na sanggol, natagpuan sa ilalim ng tulay sa Candelaria, Quezon

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-11-13 22:12:04 Bagong silang na sanggol, natagpuan sa ilalim ng tulay sa Candelaria, Quezon

CANDELARIA, Quezon — Isang bagong silang na sanggol ang natagpuan sa ilalim ng Bukal Bridge sa Bypass Road, Barangay Bukal Sur, Candelaria, Quezon.

Ayon sa pulisya, tinatayang isang araw pa lamang mula nang isilang ang sanggol dahil nakakabit pa ang pusod nito. Pinaniniwalaang iniwan o itinapon ng mga magulang matapos ipanganak.

Agad na rumesponde ang mga awtoridad matapos ireport ng isang residente ang natagpuang sanggol. Dinala ito sa Candelaria Municipal Health Office para sa agarang medikal na atensyon at pagsusuri.

Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Candelaria Police upang matukoy kung sino ang responsable sa pag-abandona sa sanggol.

Samantala, nananawagan ang mga lokal na opisyal sa sinumang may impormasyon tungkol sa insidente na makipag-ugnayan sa mga awtoridad.

Pinaalalahanan din ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko na may mga ligtas na paraan upang isuko ang mga sanggol sa mga awtoridad, sa halip na iwanan sa mapanganib na lugar. (Larawan: iStock / Google)