Diskurso PH
Translate the website into your language:

Alagang kambing sa Cabanatuan ginahasa, sinaktan

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-12-06 10:24:08 Alagang kambing sa Cabanatuan ginahasa, sinaktan

CABANATUAN CITY — Kaawa-awa ang sinapit ng isang alagang kambing nina Mayann Monce at Herbert Gamboa ng Barangay Calawagan, Cabanatuan City, matapos umano itong gahasain ng tao at saktan pa sa leeg.

Ayon sa kanilang mga Facebook post, natagpuan nila ang kambing na duguan at may sugat sa leeg matapos itong nakasuga sa damuhan sa dulo ng kanilang bakuran kagabi. Sa update ni Monce, sinabi niya: “Update SA kambing KO ... Buhay pa nmn xa Kaya LNG umiiyak parin xa masakit sugro MGA sugat nya...”

Isa pang pahayag mula sa pamilya ang nagsabi: “sorry meeh qng alam q lng kinuha na sana kita nung pinuntahan kita ng mga alas 4pm ... tas nung kinuha ka ni abet ng mga 5pm duguan kna????. Pahinga kna white meeh q.”

Agad na ipinaalam ng pamilya ang insidente sa barangay at inaasahang magsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang salarin.

Sa ilalim ng Republic Act No. 8485 o Animal Welfare Act of 1998, na pinalakas pa ng Republic Act No. 10631 (2013 amendment), mahigpit na ipinagbabawal ang anumang uri ng kalupitan, pananakit, at pang-aabuso sa mga hayop. Ang sinumang mapatunayang lumabag ay maaaring makulong ng anim na buwan hanggang dalawang taon at pagmultahin ng ₱30,000 hanggang ₱100,000, depende sa bigat ng kasalanan.

Dagdag pa rito, kung ang krimen ay nagresulta sa pagkamatay ng hayop, mas mabigat na parusa ang ipinapataw. Ang batas ay naglalayong protektahan ang lahat ng uri ng hayop, kabilang ang mga alagang kambing, aso, pusa, at iba pang livestock.

Samantala, pinaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na agad iulat sa pulisya o sa Department of Agriculture – Bureau of Animal Industry (BAI) ang anumang kaso ng animal cruelty upang masampahan ng kaukulang kaso ang mga responsable.