Diskurso PH
Translate the website into your language:

NBA: Denver Nuggets, sinibak si Coach Michael Malone; GM Calvin Booth, ‘di na ire-renew ang kontrata

Rose Anne Grace Dela CruzIpinost noong 2025-04-09 13:30:59 NBA: Denver Nuggets, sinibak si Coach Michael Malone; GM Calvin Booth, ‘di na ire-renew ang kontrata

Abril 9, 2025 — Sinibak ng Denver Nuggets si head coach Michael Malone sa kabila ng nalalapit na NBA playoffs, at inanunsyong hindi na rin palalawigin ang kontrata ng general manager na si Calvin Booth.

Si David Adelman ang itatalagang interim coach para sa natitirang bahagi ng 2024-25 season.

Si Malone ang naghatid sa Nuggets ng kauna-unahang NBA championship noong 2023 at may record na 471 panalo at 327 talo sa loob ng 10 season bilang head coach. Ngunit matapos ang apat na sunod na talo at pagbulusok nila sa ika-4 na pwesto sa Western Conference, nagdesisyon ang pamunuan ng koponan na magpalit ng direksyon.

“This decision was not made lightly… we do it only with the intention of giving our group the best chance at competing for the 2025 NBA championship,” pahayag ni Josh Kroenke, vice chairman ng Kroenke Sports and Entertainment.

Samantala, si Booth ay hindi na rin babalik bilang GM matapos ang tatlong taon sa posisyon. Siya ang responsable sa pagbuo ng championship roster noong 2023. Ayon kay Kroenke, "Calvin’s knowledge and passion helped lift our organization to new heights.”

Sa kasalukuyan, may tatlong laro na lang ang Nuggets bago matapos ang regular season at kasali pa rin sila sa Play-In scenario kung hindi magtuloy-tuloy ang pagkatalo.

Ang susunod nilang laro ay sa Miyerkules kontra Sacramento Kings, ang dating koponan na pinangunahan din ni Malone mula 2013 hanggang 2014.

 

 

(Report ni Ace Acero)