Diskurso PH
Translate the website into your language:

Tingnan: Pacquiao, iginiit na hindi niya umano iniwasan na makalaban si Crawford

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-29 22:44:26 Tingnan: Pacquiao, iginiit na hindi niya umano iniwasan na makalaban si Crawford

MANILA — Mariing itinanggi ni Manny “Pacman” Pacquiao ang mga haka-haka na iniiwasan umano niya ang pound-for-pound king na si Terence “Bud” Crawford sa welterweight division. Sa isang panayam, tinanong ang dating eight-division world champion kung bakit hindi natuloy ang laban laban kay Crawford noong aktibo pa siya sa kanyang prime years.

Ayon kay Pacquiao, matagal na niyang hiling na makaharap ang Amerikanong boksingero:

“Since before, I’m wanting to fight Terence Crawford, but I don’t know why they don’t give it to me.”

Nang ipaalala sa kanya ng reporter na sinabi ni promoter Bob Arum na siya raw mismo ang hindi interesado sa laban, mabilis itong pinabulaanan ng Pambansang Kamao:

“No! I want to fight him. Even before Jeff Horn. Why Jeff Horn and why not Terence Crawford?”

Matatandaan na noong 2017, ipinalaban ni Bob Arum si Pacquiao laban sa Australian boxer na si Jeff Horn sa Brisbane, Australia. Sa kontrobersyal na laban, natalo si Pacquiao via unanimous decision, na tinutulan ng maraming fans at boxing analysts. Marami ang naniniwala na kung si Crawford ang naging katapat noon, mas makabuluhan sana ang naging resulta sa legacy ni Pacquiao.

Sa kasalukuyan, nananatiling aktibo si Crawford bilang undisputed welterweight champion at isa sa pinakakinikilala sa buong mundo. Samantala, bagama’t retirado na, patuloy pa ring inuugnay si Pacquiao sa posibleng mga comeback fights laban sa mga kilalang pangalan upang dagdagan pa ang kanyang makulay na boxing legacy.

Para kay Pacquiao, malinaw ang mensahe: hindi siya kailanman umiwas kay Crawford—bagkus, siya mismo ang unang naghanap ng pagkakataon para makaharap ito. (Larawan: Manny Pacquiao / Facebook)