Balitang Sport: GGG Vs. Crawford?
Robel A. Almoguerra Ipinost noong 2025-09-18 01:52:38.jpg)
SETYEMBRE 18, Nag-iinit ang mundo ng boksing matapos kumalat ang espekulasyon na maaaring magbalik sa ring si Gennady “GGG” Golovkin para harapin ang pound-for-pound king na si Terence “Bud” Crawford.
Nagsimula ang usapan nang magbigay ng pahiwatig si Golovkin tungkol sa kanyang posibleng pagbabalik.
“Yes, why not?” tugon ni GGG nang tanungin kung may balak pa ba siyang lumaban. “I feel my old emotions here.”
Nang muling usisain kung kailan at sino ang kanyang makakaharap, pabirong sinabi ni Golovkin: “That’s my secret.”
Kung matuloy ang laban sa 160-pound middleweight division, may pagkakataon si Crawford na maging anim na dibisyong kampeon. Ito ay maglalagay sa kanya sa hanay nina Manny Pacquiao at Oscar De La Hoya, na iilan lamang sa kasaysayan na nakapagkampeon sa anim na timbang.
Higit pa rito, tatalunin ni Crawford ang rekord ni Floyd Mayweather Jr. na nakapagwagi ng titulo sa limang dibisyon lamang, sakaling mapabagsak niya ang beteranong Kazakhstani.
Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa parehong kampo, ngunit ang posibilidad ng GGG vs. Crawford super fight ay sapat na upang umingay ang diskusyon sa boxing community. Para sa ilan, isa itong laban na maaaring magmarka ng bagong kabanata sa kasaysayan ng boksing. (Larawan: Google)