Walang Takas: Mahigpit na Batas, Proteksyon Laban sa Rape
Jaybee Co-Ang Ipinost noong 2025-03-07 10:53:15
Ang Republic Act No. 8353, o mas kilala bilang Anti-Rape Law of 1997, ay isang batas na pinalawak ang kahulugan ng rape at nireclassify ito bilang Crime Against Persons. Binago rin nito ang ilang bahagi ng Revised Penal Code ng Pilipinas.
Mas Malawak na Kahulugan ng Rape
Ayon sa bagong batas, may dalawang paraan kung paano nagaganap ang rape:
1️⃣ Kapag ang isang lalaki na may kaalaman sa pakikipagtalik (carnal knowledge) ay ginawa ang sumusunod na sitwasyon:
- Gumamit ng pwersa, banta, o pananakot (force, threat, or intimidation).
- Kapag ang biktima ay walang malay o hindi kayang magbigay ng pahintulot.
- Nanlilinlang, nanloloko, o ginagamit ang position upang makapang-abuso.
- Kapag ang biktima ay wala pang 12 taong gulang o may kapansanan sa pag-iisip, kahit pa may pahintulot.
2️⃣ Sinuman na gumawa ng sexual assault sa pamamagitan ng:
- Pagpasok ng ari ng lalaki sa bibig o puwitan ng ibang tao.
- Pagpasok ng anumang bagay sa ari o puwitan ng isang tao.
Parusa sa Rape
Para sa rape na may carnal knowledge (una sa listahan sa taas):
- Reclusion perpetua (habambuhay na pagkakakulong) ang parusa.
- Kung gumamit ng mga deadly weapon, marami ang gumawa ng krimen, o naging sanhi ng pagkasira ng pag-iisip ng biktima, ang parusa ay reclusion perpetua hanggang death penalty.
- Kapag namatay ang biktima dahil sa rape, death penalty ang parusa.
Kailan Ipinapataw ang Death Penalty?
Ang death penalty ay ibinibigay kung:
✔️ Ang biktima ay wala pang 18 taong gulang at ang gumahasa ay magulang, guardian, kamag-anak, o step-parent.
✔️ Ang biktima ay nasa kustodiya ng pulis o militar.
✔️ Nangyari ang rape sa harap mismo ng pamilya ng biktima.
✔️ Ang biktima ay isang religious person at kilala ng salarin.
✔️ Ang biktima ay wala pang 7 taong gulang.
✔️ Ang rapist ay may HIV/AIDS o iba pang STI at naipasa ito sa biktima.
✔️ Ang salarin ay pulis, sundalo, o taga-enforce ng batas at inabuso ang posisyon niya.
✔️ Ang biktima ay nagkaroon ng permanenteng kapansanan o putol na bahagi ng katawan.
✔️ Alam ng rapist na ang biktima ay buntis o may mental disability.
Parusa sa Sexual Assault
- Ang parusa ay mula prisión mayor (6-12 taon) hanggang reclusión temporal (12-20 taon), depende sa bigat ng kaso.
- Kapag may bigat na dahilan (aggravating circumstances), mas mataas ang parusa.
Iba Pang Mahahalagang Probisyon ng Batas
Paano kung nagpakasal ang biktima at rapist?
- Kapag nagpakasal ang biktima at rapist, maaaring mabura ang kasong kriminal.
- Kung ang asawa ang rapist, maaaring mapatawad ng biktima ang kasalanan, maliban kung walang bisa ang kasal mula sa simula.
Paano mapapatunayan ang rape?
- Physical resistance o pagtanggi ng asawa o hindi niya kaytang tumanggi ay maaaring gamitin bilang ebidensya.
Larawan mula sa Pixabay
