Diskurso PH
Translate the website into your language:

HRep Committee Schedule: Committee on dangerous Drugs Tututukan ang Kaso vs. Pulis sa 990-Kilo Shabu Haul sa Tondo

Jaybee Co-AngIpinost noong 2025-10-01 11:04:25 HRep Committee Schedule: Committee on dangerous Drugs Tututukan ang Kaso vs. Pulis sa 990-Kilo Shabu Haul sa Tondo

Magsasagawa ngayong umaga ang House Committee on Dangerous Drugs ng pagdinig para alamin ang update sa mga kasong isinampa laban sa ilang pulis na umano’y sangkot sa pagkakasamsam ng 990 kilo ng shabu sa Tondo, Manila.

Ginaganap ang hearing alas-8:30 ng umaga sa Spkr. Villar Hall, 1/F SWA Building, at mapapanood din ito nang live sa official Facebook page ng House of Representatives.

Inaasahang haharapin ng mga opisyal ang tanong ng mga mambabatas tungkol sa progreso ng imbestigasyon at mga kaso kaugnay ng kontrobersyal na drug haul—isa sa pinakamalaki sa kasaysayan ng bansa. Tatalakayin din kung paano hinawakan ng law enforcement ang ebidensya at kung may naganap na cover-up.

Matatandaang noong 2022 nakumpiska ang halos isang toneladang shabu sa Tondo, na agad nagdulot ng matinding pag-aalala at panawagan para sa mas masusing imbestigasyon laban sa mga sangkot.

Bahagi ng oversight function ng Kongreso ang naturang pagdinig upang masiguro na mananagot ang dapat managot at hindi maaapektuhan ang kredibilidad ng kampanya laban sa ilegal na droga.