Sen. Bato: Nanguna sa Pagbusisi sa Security at Anti-Drug Agencies Budget
Jaybee Co-Ang Ipinost noong 2025-10-01 16:01:24
Pinangunahan ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang Senate Finance Subcommittee E budget briefing noong Martes, September 30, 2025, kung saan tinalakay ang panukalang pondo para sa apat na ahensyang nakatutok sa national security at anti-drug campaign.
Kasama sa mga ahensyang tinutukan ng pagdinig ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA), National Security Council (NSC), Dangerous Drugs Board (DDB), at ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Batay sa National Expenditure Program (NEP) ng Department of Budget and Management para sa Fiscal Year 2026, narito ang panukalang budget:
-
₱2.798 billion para sa NICA
-
₱1.235 billion para sa NSC
-
₱598.17 million para sa DDB
-
₱4.531 billion para sa PDEA
Sa pagdinig, kinuwestyon ng ilang senador ang mga opisyal kung paano gagamitin ang pondo para mas mapaigting ang intelligence operations, mas mapabuti ang policy coordination, at mas tumibay ang anti-drug enforcement efforts.
Ayon kay Sen. Win Gatchalian, chair ng Senate Committee on Finance, buo ang suporta niya sa panukalang budget ng apat na ahensya. Gayunpaman, iginiit niyang dapat masiguro na ang bawat pisong gagastusin ay sulit, may malinaw na resulta, at tunay na makatutulong sa pagsigurado ng kaligtasan ng taumbayan.
Ang pagdinig ay bahagi ng mas malawak na pagsusuri ng Senado sa pambansang budget, upang matiyak na nakatutugon ito sa pangunahing layunin ng gobyerno sa peace, order, at seguridad.